Facebook

CLOA docs sa Cebu inimbak lang!

MATINDI pala ang ilang GOVERNMENT OFFICIALS sa CEBU na imbes makatulong sa mga naghihirap na mamamayan ay ang mga ito pa ang sagwil dahil may mga benepisaryong magmay-ari na dapat ng mga lupang kanilang nililinang 30-taon na dapat ay hinde ipinagkaloob kundi inimbak lamang ang mga CERTIFICATE OF LAND OWNERSHIP AWARDS (CLOA) sa CEBU.

Ang mga salarin ay 13 mga opisyales ng DEPARTMENT OF AGRARIAN REFORM (DAR) sa CEBU na sinadyang itinago ang mga CLOA at hinde ipinamahagi sa mga benepisaryo…, e magkano kaya.ang tinanggap na kadatungan ng.mga ito mula sa mga HACIENDERO para mapigilan ang pamamahagi ng mga lupa?

Yan ang katanungang bubusisiin ng korte oras na maisampa na ni DAR SECRETARY BRO. JOHN CASTRICIONES ang mga kasong CRIMINAL at ADMINISTRATIVE laban sa 13-DAR-CEBU OFFICIALS at PERSONNEL na hinde nila ipinamahagi ang kabuuang 2,007 CLOA sa mga AGRARIAN REFORM BENEFICIARIES (ARBs).

Ang pagsasampa ng kaso ay base sa serye ng pagsisiyasat na isinagawa ng TASK FORCE UNDISTRIBUTED CEBU CLOA na binuo ni SEC. CASTRICIONES upang aksiyunan ang hinde pagkakaloob ng LAND TITLES sa FARMER-BENEFICIARIES…, na puspusan ngayon ang pag-uungkat sa kung ano na ang kalagayan ng mga lupain at sa mga ARB sa naturang probinsiya.

“We found out that these CLOAs has been in storage for several years, depriving the ARBs of their opportunity to own a piece of land as mandated by the law,” pahayag ni SEC. BRO. JOHN sa isinagawang press conference nitong Lunes.

Aniya, Ang CEBU DAR PROVINCIAL OFFICE ay walang karapatang harangin ang pamamahagi ng mga titulo sa oras na ibinigay na sa DAR ng.REGISTRY OF DEEDS. Ibig sabihin ay kailangan nang ibigay ang mga titulo sa mga benepisaryo.

Biruin nyo mga ka-ARYA, ang mga CLOA ay nakaimbak.lang sa loob ng LAND TRANSFER AND IMPLEMENTATION DIVISION (LTID) ng CEBU DAR PROVINCIAL OFFICE.

“The stored CLOAs consisted of 387 emancipation patents (EPs) and 1,620 CLOAs totaling 2,007 land titles kept undistributed. All in all, the team had itemized the said EPs/CLOAs ranging from the years 1987 up to the 2020s. In addition to this, there are another 3,391 undistributed land titles, covering an area of 2,526 hectares, which the Land Bank of the Philippines had turned over to the DAR,” paglalahad ni CASTRICIONES.

Sa isinagawang imbentaryo ay nadiskubre pa ang 306 collective CLOAs sa loob ng 4 na kahon.., na inirason ng ilang LTID STAFF na subject for verification and validition process daw ang mga dokumento oara sa MUNICIPAL AGRARIAN REFORM PROGRAM OFFICERS (MARPOs).

Bunsod nito ay agarang iniatas ni CASTRICIONES na ipamahagi na ang kabuuang 422 individusl EPs/CLOAs sa 422 ARBs na sumasakop sa 315.2704 ektarya ng lupa at ang 3,391 na mga titulong isinalin ng LBP ay kailangan na ring maipagkaloob.

Bukod diyan ay inatasan ni CASTRICIONES ang lahat ng mga DAR REGIONAL DIRECTOR na magsumite ng inventory sa mga hinde pa naipamamahaging EPs/CLOAs sa kanilang mga nasasakupan bilang bahagi ng “transparency”.

Dapat, lahat ng mga hepe sa bawat government agencies ay magsagawa ng malalimang pagsisiyasat sa kaniyang mga oinamumunuan upang matiyak na ang mga serbisyong dapat ibigay ng gobyerno sa mga tao ay naisasagawa at ang sinumang masumpungan sa mga anomalya ay ipagharap ng kaso tulad sa aksiyong ito ni CASTRICIONES…., kaya, ang ARYA ay saludo sa liderato ng DAR para sa sinserong pagseserbisyo sa mamamayan!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.

The post CLOA docs sa Cebu inimbak lang! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
CLOA docs sa Cebu inimbak lang! CLOA docs sa Cebu inimbak lang! Reviewed by misfitgympal on Mayo 04, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.