TRENDING ngayon sa social media ang ipinahayag ni eight-division world boxing champion turned politician Senador Manny Pacquiao tungkol sa isyu sa West Philippine Sea na ang pinatatamaan ay ang kaalyado niyang si Pangulong Rody Duterte.
“Nakakapanghina kasi iba sa simula. Narinig natin bago mag-eleksyon, sa kampanya, nung sinabi niya na mag-jet ski siya dala ang bansang Pilipinas. Sa puso ko noon, sabi ko, ito na iboboto ko. It gave me and many others great encouragement and resolve that I said to myself: ‘This is what we need.’ But time came when he buckled when we need to make a stand’”, sabi ni Pacquiao.
Ang statement na ito ni Pacquiao ay tungkol sa sinabi ni noo’y Presidential candidate Duterte na ‘pag nahalal si-yang pangulo ay siya mismo ang susugod sa West Philippine Sea dala ang bandera ng Pilipinas at itusok sa isla na pag-aari ng mga Pinoy.
“I will ask the Navy to bring me to the nearest boundary dyan sa Spratly – Scarborough. Bababa ako, sasakay ako ng jet ski, dala-dala ko ‘yung flag ng Pilipino at pupunta ako doon sa airport nila tapos itanim ko, then I would say, ‘This is ours and do what you want with me’”, sinabi ito ni Duterte Abril 24, 2016, kasagsagan ng kampanya para sa pagka-pangulo ng Pilipinas,
Nitong Mayo 3, 2021, sa kanyang weekly report to the nation, ito na ang sinasabi ni Pangulong Duterte: “I never ever in my campaign as President promised people I would retake the West Philippine Sea. I did not promise I would pressure China. I never mentioned China and the Philippines in my campaign.”
Kaya maging ang kanyang mga kaalyado na may pu-song makabayan ay nag-reak na. Na-DUTERTE raw sila.
Oo! Maging si Pacquiao na bilib na bilib noon kay Duterte lalo nang ianunsyo ni Digong na iendorso niyang sunod na pangulo ng bansa ang Pambansang Kamao ay nawalan na ng amor. Kinakalaban na ang kanyang mga statement.
Kasi nga naman… isang taon nalang sa kanyang kapangyarihan si Duterte ay hindi parin nito nagagawa ang mga ipinangako sa kampanya noong 2016 tulad ng pagsugpo sa iligal na droga, korapsyon, talamak na smuggling at red tape sa gobierno.
Nag-aalmahan na nga ang mga kaalyado ni Duterte, kinakalaban na ang kanyang mga statement lalo sa isyu ng WPS.
Maging ang kanyang DFA Sec. na si Teddy Boy Locsin ay hindi na sila magkasundo sa mga pahayag sa pagpapanatili ng military ships ng China sa karagatan ng Pilipinas sa WPS.
Ang Marcos na numero unong sumuporta sa kandidatura ni Duterte noong 2016 ay tila oposisyon narin ngayon.
Si Senador Ping Lacson na naging tagapagtanggol ni Duterte sa maramimg isyu ay iba narin ang tuno ng mga pananalita, kontra na!
Si ex-President Gloria Arroyo na isa sa mga nag-finance sa kandidatura noon ni Duterte ay tahimik na. Ang Villar nalang yata ang natitirang kakampi ni Duterte. Kasi DPWH Secretary si Mark Villar at Usec. naman sa DoJ ang misis nito.
Ayon sa mga political analyst, inaasahan na ang pag-lundagan ng mga “trapo” lalo’t pabagsak ang popularidad ng Pangulo na isang taon nalang sa Palasyo.
Si Duterte ay may dalawang pinagpipilian para iendorso sa 2022, alin sa kanyang long-time “kanang kamay” Sen. Bong Go at anak na si Davao City Mayor “Inday” Sara Duterte-Carpio. Pulsuhan!
The post Na-‘Duterte’ si Mane appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: