HINDI pinatawad ng scammer ang perang donasyon na aabot sa P15,000 na nalikom sa pamamagitan ng social media ng isang anak para maipagamot ang kaniyang amang maysakit.
Sa ulat, sinabi ni Jayvee Buracan na humingi siya ng tulong sa netizens para makalikom ng perang pampagamot sa ama niyang si Ernesto na maysakit sa puso.
“Hindi po talaga sapat sa pang-araw-araw at tsaka sa pambili po ng gamot ng tatay ko (kaya ako nag-post sa social media),” paliwanag ni Jayvee.
Mayroon mabubuting kalooban na nagbigay ng tulong at nakalikom si Jayvee P15,000 na donasyon.
Ngunit kung may mga mabubuting tao, hindi rin mawawala ang mga masasama.
Ayon kay Jayvee, may nakipag-ugnayan sa kaniya na magbibigay din ng pera at hiningi ang mga impormasyon ng mobile wallet account.
Pero hindi pala talaga ang pagbibigay ng pera ang pakay ng taong nakipag-ugnayan sa kaniya kundi para nakawin ang perang para sa kaniyang ama.
Ipinaalam na ni Jayvee sa Philippine National Police Anti-Cybercrime Group ang insidente.
Ayon kay PNP-ACG spokesperson Police Captain Mark Norbe, mayroon na silang suspek sa insidente at nangako silang bibigyan ng hustisya si Jayvee at kaniyang pamilya.
The post Donasyong pera para sa maysakit, kinulimbat ng scammer appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: