CAMP VICENTE LIM – Nauwi sa pamamaril ang matagal nang alitan ng isang opisyal ng Tricycle Operators Driver Association (TODA) at miyembro nito sa Barangay San Antonio, Sto. Tomas City, Batangas nitong Lunes ng gabi.
Sa ulat ni Police Lt. Colonel Armie Agbuya, hepe ng Sto Tomas Police, nakilala ang nasawi na si Medel Mira, 43 anyos, ng Bgy. Poblacion I.
Agad namang naaresto sa follow up operation ng pulisya sa bahagi ng Bgy. San Isidro, Bay, Laguna ang tumakas na salarin na si Rommel Arguelles alias “Pungay”, 41,bise presidente ng TODA.
Sa imbestigasyon, 6:30 Lunes ng gabi nang maganap ang insidente nang hindi inaasahang magtagpo sina Mira at Arguelles sa lugar na nauwi sa mainitang pagtatalo hanggang sa pamamaril.
Ayon kay Agbuya, awayan sa kanilang trabaho ang isa sa motibo ng krimen.
Matagal na umanong pinagbabantaan ng biktima ang kanilang opisyal dahil sa pinag-aawayan nilang rota ng kanilang biyahe ng tricycle.
Sa loob mismo ng sidecar ng minamanehong tricycle ng biktima binawian ito ng buhay bunsod ng tinamong mga tama ng bala sa katawan mula sa kalibre .45 na baril na ginamit ng opisyal.
Hindi narekober ng pulisya ang ginamit na baril ng salarin, umano’y itinapon nito habang papatakas.
Kasalukuyang nakapiit sa Sto. Tomas PNP si Arguelles. (DICK GARAY)
The post ALITAN NG TODA NAUWI SA PAMAMARIL: ISA PATAY! appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
ALITAN NG TODA NAUWI SA PAMAMARIL: ISA PATAY!
Reviewed by misfitgympal
on
Mayo 04, 2021
Rating:
Walang komento: