
MULING tumaas ang naitalang kaso ng COVID-19 ng Department of Health (DOH) na nasa 6,483 nitong Huwebes, Mayo 27.
Samantala ay mayroon namang naitalang 4,335 na gumaling at 210 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 4.0% (48,109) ang aktibong kaso, 94.3% (1,131,942) na ang gumaling, at 1.70% (20,379) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong Mayo 25, 2021 ngunit mayroong 6 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 6 labs na ito ay humigit kumulang 2.2% sa lahat ng samples na naitest at 3.9% sa lahat ng positibong mga indibidwal. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)
The post Covid update: 6,483 bagong kaso; 4,335 gumaling; 210 nasawi appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: