
PAYAG ang mga Metro Mayors na luwagan ang quarantine classification sa Metro Manila sa gitna ng bumababang covid cases.
Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos, nagkaroon ng consensus ang mga Metro Mayors na manatili sa General Community Quarantine (GCQ) subalit mas marami ng negosyo ang papayagang magbukas at tataasan ang operating capacity.
Paliwanag ni Abalos, pinagbasehan din ng mga alkalde ang datos mula sa Department of Health (DOH) kung saan kapansin-pansin ang downward trend ng covid cases.
Dahil dito, kumbinsido ang mga Metro Mayors na maari nang magluwag ng quarantine classification upang makabawi naman ang ekonomiya.
Gayunman, nais din ng mga alkalde na mabakunahan na ang mga nasa A4 category o ang mga economic frontliners. (Jonah Mallari)
The post Metro mayors payag na luwagan ang quarantine classifications appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: