
BUMAGSAK ang isang Tecnam P-210 aircraft (RP-C8230) sa bahagi ng Barangay Urayong, Bauang, La Union.
Sa pahayag ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Operations and Rescue Coordination Center, nasawi ang 25 anyos na pilot student mula sa First Aviation Academy sa Subic Bay International Airport na nagsasagawa ng solo-cross country flight.
Batay sa school’s flight plan, ang eroplano na may numero RP-C8230 ay nagmula sa Iba Airport sa Zambales, nagtungo sa La Union Airport at magtutungo sa Lingayen Airport bago babalik sa Iba Airport.
Narekober ng Philippine Coast Guard (PCG) ang ilang bahagi ng eroplano sa karagatang sakop ng bayan ng Caba.
Sa ngayon, ang mga labi ng student pilot na residente ng Paligui, Apalit, Pampanga ay nasa Mapanao Funeral Service sa bayan ng Aringay.
Naka-deploy na ang CAAP Aircraft Accident Investigation and Inquiry Board investigators para malaman ang sanhi ng aksidente.
The post EROPLANO BUMAGSAK SA LA UNION: STUDENT PILOT PATAY appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: