Facebook

Estudyante tinumba ng ‘riding in tandem’, pangalawang pagtangka na

PATAY ang isang estudyante nang pagbabarilin ng riding in tandem sa Cabagan, Isabela noong Martes, Mayo, 25 ng taon.

Kinilala ang biktima na si Anthony Cammagay, 20 anyos, residente ng Barangay Ugad at 2nd year BS Agriculture Technology Student sa isang unibersidad.

Sa imbestigasyon ng Cabagan Police, napag-utusan ang biktima na magpa-photocopy ng death certificate ng kaanak kung kaya lumabas ito ng bahay.

Tinatayang 100 metro pa lang ang layo niya sa kanilang bahay nang tambangan at pagbabarilin ng riding-in-tandem.

Agad nasawi ang biktima dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Sa report, hindi ito ang unang beses may nagtangka sa buhay ng biktima.

“Noong May 16 po, meron narin pong nagtangkang pumatay sa kaniya. Kagagaling niya po sa Barangay Bungad, San Pablo, Isabela at pauwi na sa Cabagan, may sumunod sa kaniya na dalawang tao. Allegedly siya ay pinutukan ngunit siya po ay maswerteng hindi natamaan,” ani Police Major Rodante Albano, hepe ng Cabagan Police.

Inaalam pa ang motibo ng pagpatay sa biktima na kilala raw na tahimik, mabait, walang bisyo at tanging libangan ay pagpipinta.

“Noong nakaraang taon, hindi pa tayo ang nakaupong hepe ng Cabagan, napag-alaman natin na siya rin ay na-involve sa road rage na kungsaan siya ay hinabol, pero sa kabutihang-palad nakarating siya sa himpilan Cabagan at nakahingi siya ng tulong,” dagdag ni Albano.

Umaasa ang pulisya na makakatulong sa imbestiga-syon ang kuha ng CCTV para matukoy ang dalawang salarin.

The post Estudyante tinumba ng ‘riding in tandem’, pangalawang pagtangka na appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Estudyante tinumba ng ‘riding in tandem’, pangalawang pagtangka na Estudyante tinumba ng ‘riding in tandem’, pangalawang pagtangka na Reviewed by misfitgympal on Mayo 27, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.