Facebook

Dating pari na NPA pinatay sa loob ng bahay

NASAWI ang isang dating pari na naging high ranking official ng New People’s Army nang pagbabarilin sa Barangay Upper Poblacion, Pilar, Camotes Island, Cebu.

Kinilala ang nasawi na si Rustico Luna Tan, 80 anyos, dating pari, politikal na bilanggo at dating peace negotiator ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) sa probinsya ng Cebu.

Ayon sa ulat, nakahiga sa duyan si Tan nang barilin sa mukha at katawan sa loob ng kaniyang tahanan ng mga hindi pa kilalang salarin sa Purok Caimito, Bgy. Upper Poblacion nitong nakaraang Biyernes, Mayo 28.

Hindi pa matukoy ng mga pulis ang motibo sa pamamaril kay Tan.

Nabatid na taon 2017 ay naaresto na si Tan dahil sa kasong murder, subali’t nabasura ang kaso dahil sa kakulangan ng ebidensya.

Muling nadawit si Tan sa isa pang kaso ng pagpatay sa Bacolod noong Marso 2020 subali’t naibasura rin ang kaso.

The post Dating pari na NPA pinatay sa loob ng bahay appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Dating pari na NPA pinatay sa loob ng bahay Dating pari na NPA pinatay sa loob ng bahay Reviewed by misfitgympal on Mayo 30, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.