Facebook

Empleyada Batangas gov’t. patay sa ambush

Batangas City – Patay ang isang empleyada ng Batangas Provincial Capitol nang pagbabarilin habang sakay ng isang tricycle ng riding in tandem Sabado ng tanghali sa Barangay Kumintang Ibaba dito sa Lungsod.

Kinilala ang biktimang si April Gallardo, 34 anyos, nakatalaga sa Bids and Awards Committee at residente Bgy.Kumintang Ibaba.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Batangas City Police Station, sakay ng tricycle ang biktima na minamaneho ni Joemar Borres patungo ng Bgy. Soro-Soro, sa Astra Realty Corporation, para katagpuin ang isang kliyente na ipapasyal sa Mercedez Homes Subdivision nang harangin at paputokan ng sunod-sunod ng angkas ng motorsiklo. Agad namatay ang biktima dahil sa mga tinamong sugat sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan.

Narekober sa crime scene ang isang basyo ng bala ng kalibre .45.

Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang pulisya. (Jose Koi Laura)

The post Empleyada Batangas gov’t. patay sa ambush appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Empleyada Batangas gov’t. patay sa ambush Empleyada Batangas gov’t. patay sa ambush Reviewed by misfitgympal on Mayo 30, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.