Facebook

Drug suspect namatay sa ‘Covid-19’ pero lamog ang katawan sa ‘torture’

NASAWI ang isang construction worker na hinuli dahil sa droga habang nasa kustodiya ng Caloocan City Police.

Sa ulat, isinalaysay ng mga pulis na dinakip ang lalaking si Mateo noong Mayo 18.
Pinuntahan si Mateo ng kaniyang ama kinabukasan sa Caloocan Police Station upang dalawin.

Pero nang bumalik ang ama noong Biyernes, Mayo 21, napag-alaman niyang wala na roon ang kaniyang anak, na isinugod sa ospital.

Nang puntahan ng ama ang ospital, dinatnan niyang wala nang buhay ang anak.
Nakalagay sa death certificate na atake sa puso at electrolyte imbalance ang ikinasawi ni Mateo.

Pero duda rito ang pamilya, base narin sa sinabi ng doktor na tila nakaranas ng torture si Mateo dahil sa kaniyang black eye at marami siyang bugbog sa katawan.

“May mga damage sa katawan ang anak ko. May dumagan sa dibdib at saka ang daming bugbog sa likod, ‘yun ang sabi ng doktor, at saka may black eye dito,” sabi ng ama ni Mateo.

Pinabulaanan ng Caloocan City Police ang alegasyon at iginiit na Covid-19 suspect si Mateo. Bukod dito, wala ring foul play na nangyari.

Ayon sa ulat, dumulog ang pamilya ng biktima kay PNP Chief, General Guillermo Eleazar, upang maimbestigahan ang pagkamatay ni Mateo.

The post Drug suspect namatay sa ‘Covid-19’ pero lamog ang katawan sa ‘torture’ appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Drug suspect namatay sa ‘Covid-19’ pero lamog ang katawan sa ‘torture’ Drug suspect namatay sa ‘Covid-19’ pero lamog ang katawan sa ‘torture’ Reviewed by misfitgympal on Mayo 27, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.