Facebook

2 patay sa pagsabog sa DND Arsenal sa Bataan

NASAWI ang dalawa katao habang sugatan ang dalawang iba pa sa pagsabog sa taguan ng mga pampasabog ng Department of National Defense sa Limay, Bataan.

Kinilala ang mga nasawi na sina Ricardo Solomon, 40 anyos ng Orion, Bataan; at Marlon Tatel, 38, ng bayan ng Limay; habang ang sugatan ay kinilalang sina Marceldo Rodriguez, 57; at Allan Wisco, 36, parehong residente rin ng Limay.

Sinabi ni Colonel Joel K Tampis, ang hepe ng Bataan PNP, naghahalo ang mga biktima ng mga kemikal na primer para sa mga bala nang nangyari ang pagsabog.

Agad na nasawi si Tatel, habang ginagamot sa DND Arsenal Infirmary si Solomon. (Mark Obleada)

The post 2 patay sa pagsabog sa DND Arsenal sa Bataan appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
2 patay sa pagsabog sa DND Arsenal sa Bataan 2 patay sa pagsabog sa DND Arsenal sa Bataan Reviewed by misfitgympal on Mayo 27, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.