
TIMBOG ang isang lalaking wanted sa kasong pagpatay na may 30 taon na ang nakalipas sa bayan ng Makato, Norzagaray, Bulacan.
Kinilala ang nadakip na si Arnel Obnias, nasa hustong edad, tubong Barangay Tugas, Makato na naaresto nitong Miyerkoles sa Bgy Bitung, Norzagaray.
Naaresto ng Makato PNP sa tulong ng CIDG DSOU Rizal ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Judge Mario Guarina III ng Regional Trial Court, Kalibo, Aklan, 6th Judicial Region. Branch 4, noong October 1990.
Nabatid na unang naaresto ng Malabon PNP nitong March 23, 2021 ang kanyang kasabwat na si Efren Tapleras.
Nasa kustodiya pa ng CIDG Bulacan si Obnias.
The post Wanted 3 dekadang nagtago, timbog appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Wanted 3 dekadang nagtago, timbog
Reviewed by misfitgympal
on
Mayo 27, 2021
Rating:
Walang komento: