
AABOT sa kalahating milyong piso na halaga ng iligal na droga ang nasabat sa operasyon sa loob ng Zamboanga del Sur Provincial Jail sa Pagadian City.
Sa ulat, nakuha ang nasa tinatayang 80 gramo ng shabu na may street value na P544,000.00 mula sa isang detainee na kinilalang si Danilo Bulat-og Martinito alyas Panoy.
Maliban dito, nakuha rin sa inmate ang ang nasa 5 iba’t ibang uri ng cellphones, tablet, 8 sim cards, isang battery operated weighing scale, at maraming iba pa.
Miyembro si Martinito ng isang criminal group na nakabase sa Ozamis City.
Ikinasa ng PDEA at PNP ang operasyon kasunod ng buy bust operation sa siyudad noong nakaraang araw.
The post P.5m droga nasabat sa Zambo Jail appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
P.5m droga nasabat sa Zambo Jail
Reviewed by misfitgympal
on
Mayo 27, 2021
Rating:
Walang komento: