Facebook

Hindi na kailangan pang gumamit ng face mask ang mga bakunado, magandang insentibo…

TILA yata magandang insentibo ang hindi na paggamit ng face-mask ng mga bakunado o ang mga indibiduwal na natapos ng bakunahan ng 1st at 2nd dose.

Ito ang minumungkahi ng ilan health expert at kasalukuyan namang pinapagaralan pa ng Department of Health (DOH).

Marami rin anilang nakukumbinsing mga tao ang panukalang ito partikular na ang ilan nating mga kababayan na hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa nagpapabakuna.

Magandang insentibo na ito kaysa sa magpa-raffle ka ng bigas, baka, pera at kung anu-ano pa upang makumbinsi ang taong magpa-bakuna. Di hamak yatang mas masarap ang walang takip ang iyong mukha na kung saan sariwang hangin ay ating malalanghap, di po ba?

Mas mainam din daw na magkaroon ng pagbabasehan ang ating mamamayan hinggil sa diperensiya at kalamangan ng isang taong nabakunahan na at ang hindi pa nababakunahan.

Matic nga naman at mas lamang na ang nabakunahan dahil siguradong protektado at may depensa ito laban sa virus na dulot ng covid19.

Kailangan din anilang malaman ang mga pribilehiyo ng isang indibiduwal na nabakunahan na gaya nga ng hindi na paggamit nito ng face mask dahil sa para siyang may naka harang na barrier.

Ganon pa man ay kailangan pa rin niyang sumunod sa mga ibang health protocol tulad ng social distancing at pakikihalubilo sa maraming tao na halos mag-eskrimahan na ng mga laway.

Sana nga ay aprubahan na ng DoH ang panukalang ito na hindi kailangan pang gumamit ng face mask ang isang taong bakunado na.

Ito ay isang tanda rin na unti-unti na nating nagagapi ang banta ng covid-19 bunga nga bakuna at pag-iingat pa rin sa sarili nating kalusugan.

Dito na rin siguro natin makikita at mararamdaman kung gaano kabisa at epektibo ang mga bakunang tinurok sa atin.

Mauumpisahan nga ito sa utay-utay na pagluluwag at ang unang hakbang nga ay ang minumungkahing pwede ng hindi gumamit ng face mask ang taong bakunado na.

Slowly but surely ay unti-unti rin nating mapapag-tagumpayan ang ating dinanas na hirap laban sa virus na ito na di alintala sa atin ay marami ng kinitil na buhay di lang sa atin bansa kundi sa buong mundo.

Kailangan din marahil na tayo’y maging matapang upang pumusta at sumugal sa anuman tadhana natin pwedeng sapitin, no guts, no glory ika nga, di po ba?

Manalangin din tayo na harinawa’y mabakunahan na ang lahat ng pinoy at nawa’y sa pamamagitan nito ay bumalik ng muli sa normal ang lahat ng kaganapan at kalakaran.

BEERHOUSE SA 5TH AVENUE, CALOOCAN CITY, TULOY PA RIN ANG OPERASYON

Talagang super-duper lakas at talaga yatang untouchable ang mangement ng beerhouse na ito sa 5th Avenue malapit sa panulukan ng Rizal Avenue sa Caloocan City.

Matindi talaga marahil ang sinasabing major ng pulis na may-ari nito kung kaya’t hanggang sa kasalukuyan ay tuloy pa rin ang operasyon.

Mistulang poultry daw ng manok ang nasabing beerhouse na ito na halos magkapalit-palit na ng mga mukha ang mga customer at mga receptionist na babae, nagkakandungan na nga daw ang iba he… he… he…

Everybody happy daw pagsapit na ng 6pm onwards, hanggat may customer na buhay, umiinom at higit sa lahat ay may pera ay walang problema.

May nagbulong sa atin na kapag malalim na daw ang gabi ay mukha itong sarado at kunwa’y may padlock pa pero kumatok ka lang daw at dali-daling mag-bubukas lalo na sa kanilang mga regular customer na kakilala na nila, mahusay ha…

Naulat na minsan ang aktibidad ng major na may-ari nito at ng kanyang asawa na namamahala naman sa mga babae at sa kaha nguni’t dedma lang at walang aksiyon na para bang sinasabing hindi niyo kami kaya he… he… he…

Nasangguni na rin ang problemang ito kay Caloocan city Mayor Oca Malapitan, ewan lang natin kung alam, kinukunsinti o di kaya’y hindi pinaparating.

The post Hindi na kailangan pang gumamit ng face mask ang mga bakunado, magandang insentibo… appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Hindi na kailangan pang gumamit ng face mask ang mga bakunado, magandang insentibo… Hindi na kailangan pang gumamit ng face mask ang mga bakunado, magandang insentibo… Reviewed by misfitgympal on Mayo 31, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.