Facebook

Istilo ng serbisyo ni Senior Deputy Speaker Cong. Doy Leachon, walang nabago

MULA sa pagiging taxi driver at service crew ng Jollibee ni Senior Deputy Speaker Congressman Doy C. Leachon noon, nagbigay ng malaking inspirasyon sa mga mindoreño

Sa mahigit na 15 taon, walang nabago sa istilo ng serbisyo ni SDS Cong. Doy Leachon. Sya pa rin si Doy kahit naging atty Doy, Mayor Doy, Cong Doy at SDS Doy.

Doy na may tapang sa paglilingkod, may nagagawa na walang pambobola, Maaasahan Bawat Salita, action man at higit sa lahat performer.

Mula sa simula, hanggang ngayon, walang patid ang proyekto at programang hatid ng Team MBS at ni Cong. DOY Leachon.

Kamakailan lang INAGURAHAN ang mga bagong kongretong kalsada, School Building, Covered Court, Barangay Hall, Tulay at Sta. Rita Multipurpose Coop Building sa Calapan City na proyekto ng Team MBS na dinaluhan nina Vice Gov. Jojo Perez at Atty. Rap Infantado.

Samantala naghandog ng mga “tent’ sa 16 na TRICYCLE OPERATORS DRIVERS ASSOCIATION o TODA sa bayan ng Baco ang team MBS sa pangunguna nina SDS Doy Leachon at MBS President Vice Governor Jojo Perez kasama sina MBS Board Members Edel Ilano, Alely Casubuan at Jocy Neria.

450 tricycle drivers sa bayan ng BACO ang makakatanggap ng Pandemic Cash Assistance na pinondohan ng congressional fund ng Office of Senior Deputy Speaker Cong. Doy Leachon.

Sa Hunyo 8 naman ang nakatakdang araw ng cash distribution na pangangasiwaan ng DSWD.

Samantala sa Hunyo 10-11 para sa 2,800 tricycle drivers sa bayan ng Pinamalayan ang pagkakalooban ng pandemic cash assistance.

Hunyo 17-18 sa 3,500 tricycle drivers sa lungsod ng Calapan ang mapapagkalooban ng pandemic cash assistance.

Lahat ng TODA (drivers) sa buong Oriental Mindoro, antayin lamang ang announcement at schedule ng pagbisita ng Team MBS sa inyong mga lugar para ihatid ang tulong pinansyal ngayong panahon ng pandemya sa mga TODA ang hatid ng Team MBS.

Subaybayan!

***

Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon mag-email lang sa balyador69@gmail.com.

Ugaliing makinig sa programang “BALYADOR” at “WALANG PERSONALAN TRABAHO LANG” mula lunes hanggang linggo 11:00am-12:00noon sa RADYO NG MASA entertainment net radio. tuwing sabado at linggo 12:00nn-12:30pm sa DWBL 1242 kHz am band, tuwing martes 9:30am RADYO NATIN 105.3 FM Pinamalayan at 10:00am RADYO NATIN 102.9 FM Victoria, lunes miyerkules at biyernes 12:00noon-1:00pm sa DWXR 101.7 FM kalahi- Mapapanood livestreaming via Facebook at Youtube!

The post Istilo ng serbisyo ni Senior Deputy Speaker Cong. Doy Leachon, walang nabago appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Istilo ng serbisyo ni Senior Deputy Speaker Cong. Doy Leachon, walang nabago Istilo ng serbisyo ni Senior Deputy Speaker Cong. Doy Leachon, walang nabago Reviewed by misfitgympal on Mayo 31, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.