Facebook

Hotel sa Maynila dinagsa ng tao para magpabakuna

BUMUHOS ang mga tao na nais magpabakuna ng libreng Pfizer Covid-19 Vaccine sa Manila Prince Hotel sa Maynila nitong Martes.
Napag-alaman na madaling-araw pa lamang nang pumila ang mga nasa katergoryang A1 (medical frontliners), A2 (senior citizen), at A3 (person with comorbidity) para sa kanilang first dose.
Dahil sa patuloy na pagdagsa ng mga tao sa nasabing hotel, naging abala ang Manila Police District sa pagsasaayos sa pila upang mapanatili na nasusunod ang health protocols lalo na ang physical distancing at pagsusuot ng facemask at faceshield.
Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno Domagoso, nasa 900 doses ng Pfizer vaccine ang nakalaan sa mga nais magpabakuna sa nasabing hotel. (Jocelyn Domenden)

The post Hotel sa Maynila dinagsa ng tao para magpabakuna appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Hotel sa Maynila dinagsa ng tao para magpabakuna Hotel sa Maynila dinagsa ng tao para magpabakuna Reviewed by misfitgympal on Mayo 18, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.