Facebook

PGH muling tatanggap ng Covid-19 patients

MULING tumanggap nitong Martes ng Covid-19 patients ang Philippine General Hospital (PGH) matapos matigil ng isang araw dahil sa pagkasunog ng isang bahagi ng ospital.
Ayon kay PGH Director, Dr. Gerardo Legazpi, sinuspinde nila ang pagtanggap ng Covid-19 patients sa loob ng isang araw para tanggalin ang amoy ng usok na umabot sa Covid wards ng ospital.
Humingi sila kay Health Undersecretary at Treatment Czar Leopoldo Vega ng one-day reprieve sa pagtanggap ng Covid-19 patients para makumpleto ang paglilinis sa Covid wards.
Pagtitiyak ng PGH, patuloy silang maghahatid ng medical services sa mga pasyente lalo na at nagsisilbi silang pangunahing Covid referral center sa Metro Manila.(Jocelyn Domenden)

The post PGH muling tatanggap ng Covid-19 patients appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
PGH muling tatanggap ng Covid-19 patients PGH muling tatanggap ng Covid-19 patients Reviewed by misfitgympal on Mayo 18, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.