Facebook

HVT timbog sa P.3m shabu

TIMBOG ang dalawang drug suspects na tinuturing na “high valued target” (HVT) nang makumpiska sa kanila ang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P.3 million sa buy-bust operation ng mga pulis, Martes ng gabi sa Pasay City.

Kinilala ang mga nadakip na sina Judith Enriquez, 56 anyos, ng Vista Bonita Village, Dasmariñas, Cavite; at Medrano Medina, ng Barangay Turo, Bocaue, Bulacan.

Sa report, 4:30 ng hapon nang madakip ang mga suspek sa panulukan ng Roxas Boulevard Service Road at Cuneta Avenue, Bgy. 76 ng nabanggit na siyudad.

Ikinasa ang buy-bust operation ng operatiba ng Pasay City Police Station Drug Enforcement Unit .

Nakuha mula sa mga suspek ang nasa 59 gramo ng shabu, na nasa P376,380 ang halaga. (Gaynor Bonilla)

The post HVT timbog sa P.3m shabu appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
HVT timbog sa P.3m shabu HVT timbog sa P.3m shabu Reviewed by misfitgympal on Mayo 26, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.