
LABING-ANIM na saksak ang tinamo ng isang ginang sa kanyang mister nang magselos ang huli dahil sa chat sa messenger sa social media sa Ozamis city.
Kinilala ang biktima na si Vanessa Navarro, 37 anyos; habang nadakip naman ang salarin na si Boyet Saludes, 33, construction worker, kapwa residente ng P-8, Barangay Pulot, Ozamiz City.
Sa report, 11:30 ng gabi ng Lunes, Mayo 24, 2021, naganap ang krimen sa loob ng kuwarto ng mag-asawa.
Ayon sa ulat, himbing na natutulog ang biktima nang pagtatadtarin ito ng saksak ni Saludes gamit ang 15-pulgadang kutsilyo, sanhi ng agaran nitong kamatayan.
Matapos ang krimen, agad nadakip ng mga rumespondeng pulis si Saludes.
Nabatid, na matagal nang nagseselos si Saludes simula nagtrabaho sa ibang bansa bilang OFW si Navarro sa hinalang may iba na itong lalaki dahil sa mga chat nito sa messenger.
The post Ginang huling may ka-chat, sinaksak ng 16 beses ni mister appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: