Facebook

Magkabit huling nag-sex sa van

HULI sa aktong nagtatalik sa loob ng nakaparadang passenger van ang magkalaguyong kapwa empleyado ng isang pribadong kompanya sa Centro 2, Mallig, Isabela.
Ayon kay Police Captain Joel Bumanglag, hepe ng Mallig Police Station, nagsasagawa ng intelligence monitoring ang mga kasapi ng Mallig Police Station nang maaktuhan ang magdyowa na nagtatalik sa loob ng passenger van na pag-aari ng isang Nitcha Rodolfo Jr.
Una rito, isang personalidad ang nakakita sa magdyowa na agad namang nagsumbong sa mga nakasibilyang pulis na nagsasagawa ng intelligence monitoring sa naturang barangay.
Aniya, dayuhan lamang ang magdyowa at maaaring doon na lamang inabot ng kanilang kalibugan.
Agad naman aniyang nagbihis ang dalawa nang makita na may mga tao na sa labas ng sasakyan.
Tinted, aniya, ang bintana ng van subali’t hindi ang harapan nito o wind shield.
Dinala sa himpilan ng pulisya ang magkalaguyo para sa kaukulang dokumentasiyon at disposisyon na kapwa mahaharap sa kasong ‘alarm and scandal’.

The post Magkabit huling nag-sex sa van appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Magkabit huling nag-sex sa van Magkabit huling nag-sex sa van Reviewed by misfitgympal on Mayo 26, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.