
SUPORTADO ng mga barangay official ng Quezon City ang isinasagawang rehabilitasyon sa mga ilog na bahagi ng programa ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) para sa paglilinis ng mga ilog upang muling buhayin ang mga daluyan ng ilog sa pamamagitan ng pagsasagawa ng dredging at river restoration projects.
Magugunitang naunang ipag-utos ng DENR sa mga local government units (LGUs) ang paglilinis sa mga ilog sa Kamaynilaan at sa buong bansa upang malinis ang mga ilog at estero.
Ayon sa direktiba na inilabas ni Environment Secretary Roy A. Cimatu na nag-aatas sa mga LGUs na magsagawa ng dredging sa mga maruruming ilog at iba pang daluyan ng tubig sa buong bansa upang maibalik ang maayos na daloy nito at maiwasan ang pagbaha.
Target na malinis ng DENR ang Buwaya Creek na pinalilibutan ng Barangay East Kamias, West Kamias, Silangan at Brgy. E. Rodriguez na ang ilog ay konektado sa Marikina River at San Mateo river.
Ayon kay Barangay Captain Marciano Buena-Agua Jr., ng Brgy E. Rodriguez Sr District 3 QC bilang bahagi ng paglilinis sa Buwaya creek ay ang planong paglilipat sa may 600 families na informal settler na nakatirik ang mga bahay sa paligid ng Buwaya creek na sakop ng naturang barangay.
Sa isang interbyu sinabi ni Buena-Aguna matagal ng plano idemolis ang mga naturang informal settler nakapaligid sa naturang ilog subalit wala pa umanong paglilipatan sa mga naturang pamilya ang local na pamahalaan ng Quezon City.
“Plano namin mailipat ang may 600 pamilya na nakapaligid sa Buwaya creek upang maisakatuparan ang paglilinis sa naturang ilog” ayon kay Buena-agua.
Idinagdag pa ng nasabing barangay official na bukod sa paglilipat sa mga informal settler patuloy ang dredging operation sa naturang creek kasama ang mga environmental personnel ng barangay ang city government.
“Bukod sa dredging operation plano naming maglagay ng basurahan sa paligid ng creek at fish net bilang pansalo sa mga basura upang hindi na dumurecho sa ilog” dagdag pa nito.
Kaugnay nito tiniyak naman ni Usec. Benny Antiporda Chair ng National Solid Waste Management Commission ng DENR na patuloy ang pagtatrabaho ng ahensya upang masiguro na mahusay at maiasasaayos ang mga basura sa ating bansa.
Ayon kay Antiporda hindi magtatagumpay ang isinusulong ng DENR para sa rehabilition ng mga ilog at estero kung hindi makikipagtulungan ang mga LGUs. (Boy Celario)
The post Paglilinis ng DENR sa mga ilog suportado ng mga barangay appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: