Facebook

Kahit fully vaccinated na,dapat pa ring magsuot ng face masks — DOH

ANG Department of Health (DOH) ay naninindigan na dapat pa ring magsuot ng face mask ang mga indibidwal na nakumpleto na ng dalawang dose ng COVID-19 vaccine.

Ang pahayag ay Ginawa ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang pahayag matapos na maglabas ng abiso ang Centers for Disease Control and Prevention (CDC) ng Amerika na hindi na kailangang magsuot ng face mask ang mga fully-vaccinated na kontra COVID-19, maliban na lang umano kung kinakailangan sa ilang lugar o uri ng transportasyon.

Sinabi naman ni Vergeire, hindi pabor dito ang DOH dahil mayroon pa ring posibilidad na mahawa sa COVID-19 virus ang isang tao, kahit na siya ay fully vaccinated na.

“Hanggang sa ngayon, ang pinanghahawakan natin kumpletong ebidensiya ay ang isang bakunadong indibidwal can still be infected and can still infect others,” pahayag ni Vergeire.

“We retain our position: hindi kami magrerekomenda ng ganitong pagtanggal ng mask kung kayo ay bakunado na,” sabi pa nito.

Mula Mayo 12 ay aabot na sa 2,623,093 ang bilang ng mga nabakunahan na kontra COVID-19 sa bansa.

Pero malayo pa ito sa target na 70 milyong Pilipinong dapat mabakunahan para makamit ang herd immunity.

Sa nasabing bilang, nasa 2,057, 277 ang nabakunahan ng unang dose, habang 565,816 naman ang fully-vaccinated na o nakatanggap na ng ikalawang dose ng bakuna. (ANDI GARCIA)

The post Kahit fully vaccinated na,dapat pa ring magsuot ng face masks — DOH appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Kahit fully vaccinated na,dapat pa ring magsuot ng face masks — DOH Kahit fully vaccinated na,dapat pa ring magsuot ng face masks — DOH Reviewed by misfitgympal on Mayo 15, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.