KUNG may isang tao na kasing dedicated at hands on para sa kapakanan ng mga Parañaqueños maliban sa butihing ama ng lungsod na si Honorable Edwin Olivarez,ito ay walang iba kundi si Fernando ‘Ding’ Soriano.
Si Boss Ding po ang masipag at mabait na city administrator ng Parañaque LGU.
Isang down to earth and workaholic person.
Walang ere sa katawan at very accomodating person.
Walang masamang tinapay sa mamang ito.Kaya nga siya ang alter ego ni Kuya Edwin Olivarez at takahang pinagkakatiwalaan ng alkalde.
Kahit wala si Mayor Olivarez sa city hall nakatitiyak na lahat ng mga frontline services ng opisina ni Mayor Edwin ay nagtatrabaho nang maayos dahil na rin kay Boss Ding Soriano.
Pati mga kasapi ng media ay maayos na naiistima sa tuwing nadadako at dumadalaw sa Parañaque City Hall.
Noong kasagsagan ng pagputok ng pandemya,kasama si Admin Ding sa mga first responders ng lungsod katuwang ang masipag na alkalde.
Kung si Mayor Edwin ay nasa kanlurang bahagi ng siyudad at nagkakaloob ng ayuda sa mga constituents ng lungsod,si Admin Ding naman ay nasa hilagang bahagi at namimigay din ng tulong.
Ito ang diskarte nila ni Mayor Olivarez upang mabilis at malawakang maipamahagi ang mga ayudang kakailanganin ng mga residente ng lungsod.
Low profile at sadyang napakabait na tao ni city administrator.
Sa buong Metro Manila kung saan naglalakihan at bonggang-bongga ang mga opisina ng mga city administrators,pinili at ginusto ni Boss Ding Soriano na maging simple at payak ang kanyang tanggapan.
Aanhin mo nga naman ang isang mala-palasyo na tanggapan kung malatuba naman ang kalidad ng pagkakaloob ng serbisyo sa mamamayan?
Dun na ako sa masikip na silid tanggapan kung liglig,siksik at umaapaw naman ang serbisyo publikong ipinagkakaloob.
Kaya nga buong buo ang tiwala ni Mayor dito kay Admin Ding Soriano dahil karugtong na halos ng pusod ng alkalde ang kanyang city administrator.
Tingnan lang ni Kuya Edwin si Boss Ding ay nagkakaintindihan na ang dalawang opisyal.
Hindi na kailangan pang diktahan at magkaloob ng specific instructions si Mayor Olivarez.
Admin Ding knows exactly what to do para sa kabutihan ng mga taga-Parañaque.
Ika nga no sweat in performing their duties as public servants.
Again,kudos to Batman and Robin tandem of Mayor Edwin Olivarez and City Administrator Ding Soriano.
Keep up the great work mga bosing.
Stay safe & God Bless gentlemen!
***
PARA SA INYONG KOMENTO,REAKSYON AT SUHESTIYON,MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com
The post Sino si Ding Soriano ng Parañaque LGU? appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: