Facebook

3 close contacts ng OFW na may India variant, nagpositibo sa COVID-19

SINABI ng Department of Health (DOH) na tatlong close contacts ng overseas Filipino worker (OFW), na unang natukoy na infected ng India variant, ang nagpositibo na rin sa COVID-19.

Ito ang kinumpirma mismo ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa isang Laging Handa briefing nitong Sabado.

“As to the case number 2, the 58-year-old male from UAE [United Arab Emirates], meron po tayong verified na 32 close contacts doon sa eroplano at tatlo po sa kanila ay positive,” sabi ni Vergeire.

Ayon dito, ang specimen ng isa sa naturang tatlong close contacts na nagpositibo sa virus ay isinasailalim na sa whole genome sequencing habang patuloy pa nilang nilo-locate ang dalawang iba pa.

“Pina-submit na po natin sa whole genome sequencing ‘yung isang sample at ‘yung sa dalawa ay hinahanap po natin, nilo-locate po ‘yung dalawang individuals,” ayon kay Vergeire.

Nabatid na ang 28 naman sa 32 close contacts ay nagnegatibo na sa virus, habang ang datos ng isa pang pasahero ay biniberipika pa sa database ng DOH.

Samantala ay sinabi ng DOH na mayroon namang anim na close contacts ang isa pang OFW na mula sa Oman at natukoy na infected rin ng India variant ng COVID-19.

Sa anim na ito, tatlo na ang nagnegatibo sa COVID-19 habang tinutukoy pa umano nila ang tatlong iba pa.

“’Yung tatlo hinahanap pa ho namin sa database dahil ‘di nagma-match ang mga pangalan na nasa manifesto [ng flight details],” paliwanag ni Vergeire.

Una ng kinumpirma ng DOH na may dalawang lalaking OFW na nagpositibo sa India variant ng COVID-19.

Parehong gumaling na ang mga naturang OFWs at ngayon ay nasa Socsargen at Bicol na.

Sinabi pa ng DOH na ang mga naturang seafarers ay wala nang naging ibang close contacts maliban sa mga kapwa nila pasahero sa eroplano, dahil kaagad naman silang nai-quarantine pagdating sa bansa. (ANDI GARCIA)

The post 3 close contacts ng OFW na may India variant, nagpositibo sa COVID-19 appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
3 close contacts ng OFW na may India variant, nagpositibo sa COVID-19 3 close contacts ng OFW na may India variant, nagpositibo sa COVID-19 Reviewed by misfitgympal on Mayo 15, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.