MABIGAT na inirereklamo ng mga residente ang isang beerhouse sa Caloocan city na anila’y nag-ooperate ng solo hindi lang sa nasabing siyudad kundi sa National Capital Region (NCR) pa daw siguro.
Ang sinasabing beerhouse ay matatagpuan daw sa 5th Avenue papunta ng La Loma cemetery at halos tatlong bloke lang ang layo sa Rizal Avenue. Alas sais pa lang daw ng gabi ay bukas na ito hanggang madaling-araw na.
Dahil sa sila lang ang bukas, dinadayo daw ito ng sandamakmak na parokyano mula pa sa iba’t ibang dako ng Caloocan at karatig pook.
Puno din daw ng mga babae ang naturang beerhouse na mistula ng isang poultry ng manok. Sa sobrang dami daw ay halos magkapalit-palit na ng mukha ang mga ito.
Wala rin daw nasusunod na mga health protocol sa loob ng beerhouse mula sa pagsusuot ng facemask hanggang sa social distancing dahil halos nagkakandungan na daw ang mga babae at ang kanilang mga customer.
Bukod daw sa ingay na dulot nito, madalas din daw ang away at bangayan sa loob at maging hanggang sa labas nitong beerhouse na ito kung kaya’t ito raw ay mabigat nilang kinokondena.
Maski na walang pangalan ang naturang beerhouse ay madali naman itong makikita at mapapansin dahil sa dami ng mga babaeng nakatambay sa labasan at bukana nito.
Wala daw pandemic o maski na anong status ng quarantine sinu-sunod ang management nito. Kung tutuusin daw ay noong isang taon pa ito nag-ooperate na para bang walang kinakatakutang virus, don’t worry, be happy daw…
Ayon sa mga nagrereklamo, parang untouchable daw ang mga taong na sa likuran nito dahil ni minsan daw ay hindi naipasara ito sa kabila ng dami ng residenteng nagrereklamo at apektado nito.
Untouchable naman daw talaga ang management ayon sa mga nagrereklamo dahil sa ang may-ari daw nito ay isang Major ng pulis na super-duper daw ang lakas sa buong Caloocan..
Bagama’t bihira lang daw itong lumutang sa beerhouse, ang asawa daw nitong si Major ang nangangasiwa at namamahala ng lahat, mabigat anila ang pagkaka-endorso.
Malakas din kaya kay Mayor Oca Malapitan ang opisyal na ito kung kaya’t nakukunsinti na lang ng ganun-ganon mula sa barangay hanggang sa kapulisan he… he… he…
Wala rin itong pinag-kaiba sa Gubat sa Siyudad Resort na kung saan huli na nang mabukong nag-ooperate ito sa ganitong status ng quarantine.
Too late the hero, sana’y ma-imbestigahan ito hanggat maaga pa kaysa mahuli ang lahat. Sayang kasi ang effort na gina-gawa ng ating gobyerno sa pag-sugpo ng virus dulot ng covid19, di po ba?
MGA BAYARANG BABAE, NAGKALAT MULA
1st AVENUE HANGGANG MONUMENTO
Nagkalat umano ang mga babaeng bayaran mula 1st Avenue hanggang Monumento sa Caloocan city.
Nakatayo lang daw ang mga ito at kung minsan ay nakaupo lang sa kanto. Waiting lang upang mapick-up ng kanilang kliyente na kung saan sa malapit na hotel lang nagkakatalo.
Sa mga bugaw daw muna ng mga babaeng ito binibigay ng mga customer ang pera bago may mamagitang sensual o sex sa isa’t-isa. Quickie lang daw, matagal na anil;a ang dalawang oras bago mag-katalo.
Ganito daw lagi ang pangitain dito sa Caloocan city mula 1st Avenue hanggang Monumento. Money down before panty down.
Kung sa bagay ay diskarte lang ito sa hirap ng pera lalo na sa panahon ng pandemya, panawid-gutom ika nga.
Nguni’t ano pa man ang sabihin natin ay ingat-ingat at dapt gina-galingan ang bawat galaw at hakbang.
The post Kaisa-isang beerhouse na bukas sa Caloocan City, inirereklamo appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: