Facebook

Konsehal nasawi sa bangga

NASAWI ang isang municipal councilor nang bumangga ang minamanehong motorsiklo sa poste ng kuryente sa Barangay Lucaban, Burgos, Ilocos Sur nitong Martes.
Kinilala ang biktima na si Sangguniang Bayan member Floro Balbalan, 68 anyos, may asawa, residente ng naturang lugar.
Sa ulat, nakasakay ang opisyal sa kulay itim na Mioi 125 motorcycle at patungong timog na direksyon nang bumangga sa poste ng kuryente na nasa shoulder ng kalsada.
Ang opisyal ay nagtamo ng sugat sa iba’t ibang parte ng katawan at nasawi habang ginagamot sa Narvacan District Hospital.

The post Konsehal nasawi sa bangga appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Konsehal nasawi sa bangga Konsehal nasawi sa bangga Reviewed by misfitgympal on Mayo 12, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.