Facebook

Karnaper 10 taon nagtago, huli sa Maynila

ARESTADO ang isang lalaking wanted sa ‘carnapping’ matapos ang halos 10 taon pagtatago sa batas sa lungsod ng Maynila.
Taon 2011 pa lumabas ang warrant of arrest laban kay Christopher Pacamara, 47 anyos.
Ayon kay Police Capt. Philipp Ines, public information officer ng Sampaloc Police, kilala si Pacamara sa pagnanakaw ng sasakyan sa lungsod.
Nagpalipat-lipat ng tirahan si Pacarama para hindi mahuli hanggang sa makatanggap ang mga awtoridad ng impormasyon na umuwi ito sa Sampaloc.
Inabutan siya malapit sa PNR station sa España Boulevard.
(Jocelyn Domenden)

The post Karnaper 10 taon nagtago, huli sa Maynila appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Karnaper 10 taon nagtago, huli sa Maynila Karnaper 10 taon nagtago, huli sa Maynila Reviewed by misfitgympal on Mayo 12, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.