Pinaiimbestigahan na ni PNP chief Gen. Guillermo Eleazar ang isang police colonel na kasabwat ng fixer sa recruitment ng Philippine National Police (PNP) na naaresto sa isinagawang entrapment operation ng PNP IMEG.
Ang nasabing colonel ay isang doktor na nakatalaga sa PNP Health Service na siyang contact ng suspek na nakilalang si Evelyn Aleman Miparanum alias Evah Fonda.
Ayon kay Eleazar, modus ng suspek ang manghingi ng P50,000 sa aplikante na nais umanong makapasa sa recruitment process lalo na sa neuro psychiatric test.
Ipinagmamalaki pa ng suspek na isang colonel ang kaniyang koneksiyon.
Sinabi ni Eleazar, na subject pa for validation ang nasabing impormasyon para mabatid ang katotohan sa mga ibinunyag ng suspek.
Sinabi ng suspek na P20,000 ang napupunta sa kaniya habang P30,000 naman para sa kasabwat nitong doktor.
Dahil dito, nagsasagawa na ng malalimamg imbestigasyon ang PNP sa kung totoo ba ang alegasyon ng suspek.
Base sa ulat, agent ng Public Safety Savings and Loan Association Incorporated si Miparanum.
Nasampahan na ang suspek ng kasong robbery extortion ng PNP.
Sa ulat, inilunsad na ng PNP ang paggamit ng QR code sa pag-recruit ng mga pulis para maiwasan ang kurapsyon at para matiyak na walang magiging palakasan sa pagkuha ng mga aplikante.
Hamon pa ni Eleazar sa mga katulad ni Miparanum na subukan nila ang PNP dahil desidido silang itigil ang padrino system, palakasan at korupsiyon.
The post Koronel kasabwat ng fixer sa police recruitment? appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: