Facebook

Bumbero at criminologist huli sa droga

Arestado ang isang miyembro ng Bureau of Fire Protection (BFP) o Fireman at isang lisensyadong criminologist sa magkahiwalay na buy bust operation sa bayan ng Camalaniugan at Lasam, Cagayan.

Kinilala ang mga suspek na si SF02 Winston Tabaniag, 50 anyos, miyembro ng BFP Camalaniugan, residente ng Barangay Dugo ng nasabing bayan at kabilang sa Regional Top Priority Target list ng otoridad.

Narekober sa pag-iingat ni Tabaniag ang isang pakete ng shabu na tumitimbang sa halos isang gramo at isang genuine P1,000 at apat na pirasong boodle money na tig P1,000 din.

Samantala, sa pinagsanib na pwersa rin ng Provincial Intelligence Unit/ PDEU, Cagayan PPO, PDEA at Lasam Police Station naaresto ang suspek na si Rommel Maguddayao, 37 anyos, licensed criminologist at residente sa nabanggit na lugar.

Nakuha sa suspek ang hinihinalang walong (8) bloke ng pinatuyong dahon ng marijuana sa Provincial Road, Centro Uno, Lasam, Cagayan.

Halos tumitimbang ng 8,000 gramo na may humigit kumulang P1 milyon ang halaga ng nakumpiskang pinatuyong dahon ng marijuana.

Sinampahan ng kasong may kinalaman sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang dalawang suspek. (Rey Velasco)

The post Bumbero at criminologist huli sa droga appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Bumbero at criminologist huli sa droga Bumbero at criminologist huli sa droga Reviewed by misfitgympal on Mayo 28, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.