BINAWI na pala ng pamahalaang lungsod ng Muntinlupa ang ipinaiiral nitong liquor ban.
Pahayag ng Muntinlupa LGU, epektibo ang pag-lift ng liquor ban habang umiiral ang MECQ o enhanced community quarantine sa NCR Plus hanggang Mayo 14, 2021.
Gayunman, limitado pa rin ang mga alak o inumin na maaaring ibenta at bilhin ng mga Muntinlupeños.
Sa ilalim ng ordinansa, ang mga residente ng lungsod ay maaari lamang uminom sa loob ng kani-kanilang bahay at bawal makipag-inuman sa ibang lugar.
Maaaring lamang bumili ng alak o nakalalasing na inumin mula alas-10:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon.
Kung nasa loob naman ng restoran at iba pang commercial establishments na pinapayagang mag-operate ng Inter-Agency Task Force (IATF), dalawang bote lamang ng beer ang maaaring inumin bawat kustomer habang dalawang baso naman ng wine o whiskey ang maaaring i-consume kada kustomer.
Aba’y kung hindi ako nagkakamali, pagmumultahin ang mga lalabag na tindahan o seller ng P2,000 para sa first offense at P5,000 sa second offense habang ang mga buyer naman o kustomer ay papatawan ng multa na P2,500 para sa unang paglabag at P5,000 naman sa ikalawang paglabag.
ON-THE-GO VACCINATION SITE
MAGANDANG balita para sa mga Makatizens!
Binuksan na ang kauna-unahang drive-thru vaccination site sa lungsod.
Sinasabing ito’y inilalaan para sa mga persons with disabilities o PWDs at mga bedridden na residente.
Pagmamalaki ng Makati LGU, sa tulong ng Ayala Malls Circuit, nakapagpatayo ito ng on-the-go vaccination site, gayundin sa Circuit Makati Estates grounds.
Kaya laking pasasalamat ng lokal na pamahalaan sa pamunuan ng mall sa suporta nito sa kanilang vaccination program at maging sa kanilang layuning makamit ang herd immunity.
Tinatayang 100 residente at PWDs ang unang nabakunahan sa ikinasang dry run ng nasabing drive-thru vaccination.
Good job po, mga bossing, at more power!
***
PARA naman sa inyong mga reaksyon, suhestiyon, reklamo, atbp., maaari n’yo po akong i-email sa gil.playwright@gmail.com o kaya’y i-private message sa aking Facebook, Twitter, Instagram, at FB accounts. Paki-subscribe na rin po ang aking Youtube channel at Tiktok page na ‘Gilbert Perdez’. Maraming salamat at stay safe!
The post Liquor ban sa Muntinlupa at on-the-go vax site sa Makati appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: