PINAYUHAN ng mga doktor ang mga lalaki na magpakonsulta muna sa mga espesyalista at iwasan ang mga hakbang na maaaring pagsisihan sa huli.
Ito ay may kaugnayan sa magpinsan na lalaki na kapwa residente ng Malalag, Davao del Sur na nakaranas ng ma-tinding pananakit ng kanilang ari dahil sa impeksiyon.
Sinasabing nagpaturok ang mga ito ng baby oil para lumaki umano ang kanilang ari, ngunit hindi nila inaasahan ang naging resulta.
Hinikayat umano ang magpinsan na sina alyas “Ron” at alyas “Jun” ng kanilang kasamahan sa trabaho na magpalagay ng kemikal na pampalaki ng kanilang ari at baby oil ang ginamit ng mga ito.
Nahihirapan ngayon ang dalawa sa sobrang sakit at gusto nang ipatanggal ang in-inject na baby oil pero wala silang panggastos sa doktor at gamot.
Matagal nang sinasabi ng mga duktor na hindi maaaring iturok ang baby oil o petroleum jelly sa ari dahil magdudulot lamang ito ng malaking problema at impeksiyon.
The post Magpinsan nagturok ng baby oil para lumaki ang ari, naimpeksyon appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: