KINASUHAN ng murder ang isang dating lokal na opisyal at isang kawani ng pamahalaang bayan ng Los Baños kaugnay sa pagpatay kay Mayor Caesar Perez noong nakaraang taon.
Ang task force na binuo para imbestigahan ang kaso ang nagsampa ng kaso laban kina Norvin Tamisin at Glenn Arieta, ang hepe ng Information and Communication System ng lokal na pamahalaan.
Si Tamisin, dating konsehal, ay matagal nang katunggali ng napaslang na alkalde.
Wala pang ipinalalabas na ‘arrest warrant’ ang korte.
Magugunita na papasok si Perez sa munisipyo gabi ng nakaraang Disyembre 3 nang barilin ito ng ilang ulit sa ulo, dibdib at balikat.
The post ‘Murder’ vs Ex-councilor, LGU employee sa Mayor Perez killing appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
‘Murder’ vs Ex-councilor, LGU employee sa Mayor Perez killing
Reviewed by misfitgympal
on
Mayo 06, 2021
Rating:
Walang komento: