KAHIT duguan dahil sa tinamong mga saksak, nagawa parin ng isang obispo na lu-maban sa salarin para makuha ang patalim at dinala rin nito ang sarili sa ospital sa La Trinidad, Benguet .
Sa ulat, sa video makikita ang pakikipagbuno ni Bishop Julian Mangida sa salarin.
Duguan na si Mangida dahil sa tinamong mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Nang makakuha ng tiyempo si Mangida, nagawa niyang maibagsak sa kalye ang salarin at tumulong na ang ibang tao para makuha ang patalim.
Kasunod nito, naglakad ang nanghihinang si Mangida para dalhin ang sarili sa ospital.
Nabatid na magkasakay sa jeep sina Mangida at ang salarin nang bigla nalang undayan nito ng saksak ang obispo.
Itinulak obispo ang salarin palabas ng sasakyan at doon na sila nagpambuno hanggang sa magapi nito ang salarin.
Ligtas na si Mangida sa peligro.
Idinahilan naman ng salarin na nagdilim lang ang kaniyang paningin dahil sa nararanasang depresyon. Hindi raw niya kilala ang biktima at humingi siya ng patawad sa kaniyang ginawa.
Sinampahan na ng kaukulang reklamo ang salarin.
The post OBISPO PINAGSASAKSAK, LUMABAN SA SALARIN AT DINALA ANG SARILI SA OSPITAL appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: