Facebook

Masyadong nasaktan

MALINAW ang panawagan ng Malacanang sa ilang nilalang na kilala hindi lang sa Filipinas kundi sa buong mundo. Gusto nila na tumigil sina Antonio Carpio, isang retiradong mahistrado ng Korte Suprema, at Albert del Rosario, dating kalihim ng DFA sa kanilang paninindigan at pagsasalita hinggil sa isyu ng West Philippine Sea (WPS). Masyadong umaaray si Rodrigo Duterte sa mga batikos na inaabot niya sa dalawang nilalang. Wala siyang maisagot sa dalawa.

Ani Herminio Roque, tagapagsalita ni Rodrigo Duterte, maiging iwan ni Carpio at del Rosario kay Duterte ang paglilok sa foreign policy ng Filipinas sa China. Aniya: “illegal, impractical, and irresponsible” umano ang pahayag ng dalawang retiradong opisyal ng gobyerno hinggil sa usapin ng WPS, o sa madaling salita, ang pagsalakay ng mahigit 200 sasakyang pandagat ng China sa WPS. Sadyang wala silang maisagot ang Malacanang sa mga ibinabagsak na pangungusap ng dalawa.

Hindi kailanman tinawag na “taksil sa bayan” ni Carpio at del Rosario si Duterte sa kanilang pahayag. Ang sambayanang Filipino ang humatol sa kanya. Hindi naibigan ng sambayanan ang hayagang pagkiling ni Duterte sa China. Sa sambayanan, ipinagkanulo ni Duterte ang sariling bayan sa kanyang asal tungo sa China. Pumayag siya na pasukin at kamkamin ng China ang sariling teritoryo sa WPS. Kinampihan pa niya ang China at nagmistulang alipin siya ng China sa isyu.

Hindi kayang sagutin ng Malacanang ang mga pahayag ni Carpio at del Rosario. Wala silang maisagot na matino sa dalawa. Wala silang mga taong maaaring itapat sa dalawa. Bukod batay sa kasaysayan at mga inilatag na datos, malinaw ang lohika. Isinantabi ni Duterte ang 2016 hatol ng Permanent Arbitration Commission ng United Nations Convention on the Law of the Seas (UNCLOS) upang pagbigyan ang China na pumasok sa ating teritoryo.

Nang sabihin niya na payag siya na manatili ang maritime militia ng China sa WPS, hayagang niyakap ni Duterte ang teoyang Nine Dash-Line na batayan ng China upang angkinin ang halos kabuuan ng South China Sea. Hindi pumayag sina Carpio at del Rosario sa paninindigan ng Duterte dahil pinawalang-bisa ng UNCLOS ang walang batayang teorya ng Nine Dash Line.

Hindi papayag si Carpio at del Rosario na basta na iiwan si Duterte sa pagtatakda ng pinaniniwalaang kataksilan sa bayan. Hindi pwede sa kanila ang walang batayang paninindigan ni Duterte. Hindi nila basta ititikom ang kanilang mga bibig habang sinasakop tayo paunti-unti ng China dahil sa isyu ng WPS. Hindi sila tutugot hanggang nasa Malacanang si Duterte.

May mga hatol sa Korte Suprema na nagsasabing ang nakaupong pangulo ng bansa ang “pangunahing arkitekto ng foreign policy.” Ngunit hindi ito nangangahulugan na syla lang ang may kapangyarihan na gumawa ng foreign policy at wala ng karapatang ang iba nilalang na magsalita at sumali sa paggawa. Hindi nangangahulugan na si Duterte lang ang bida. Hindi ilegal ang hayagang pagbibigay ng pananaw sa foreign policy tungo sa China.

Hindi totoo na impractical ang paninindigan ni Carpio at del Rosario dahil ibinabatay nila ang kanilang mga salita sa desisyon ng UNCLOS. Mas hindi praktikal ang sinabi ni Duterte sapagkat kataksilan sa sariling bayan at sa maraming Filipino ang kanyang mga sinasabi. Hindi iresponsable si Carpio at del Rosario sapagkat obligasyong sibil na magsalita sila sa usapin.

Ang totoo – masakit kay Duterte na tawagin siyang traydor at Makapili. Wala siyang sagot; wala siyang katwiran; wala siyang matwid na palawigin pa ang usapin. Wala rin sa mga tauhan ni Duterte ang makakasagot kay Carpio at del Rosario. Hindi si Teffy Locsin na may halos kaparehong paniniwala kay Carpio. Hindi si Lorenzana na tutol sa nangyayari sa WPS.

Hindi si Harry Roque na duwag at mahina at ulo. Hindi si Medialdea na wala naming legal stature na magbigay ng sariling opinyon. Hindi si Sal panelo na pinagtatawanan at baluktot ang katwiran. Hindi si Jose Calida na magaling maglakad ng kaso sa hukuman at hindi sa batas. Wala kahit isa sa kanila ang puedeng sumalag kay Carpio at del Rosario.

***

Hindi lang “very weak” (masyadong mahina) ang foreign policy ng Filipinas sa China, ayon kay Sonny Trillanes. Hindi lang sinunod ni Duterte ang kapritso na China, ani Trillanes, ngunit batay sa mga pahayag ni Duterte, tuluyan ng isinuko ang natitirang dangal ng bansa. Hindi lang madiretso ni Trillanes ang kanyang pangungusap ngunit doon bumabagsak ang anumang pagsusuri sa kalagayan ng bansa sa usapin sa WPS.

May isinulat kami tungkol sa pagiging taksil sa bayan ni Duterte. Isa post namin sa social media:

THE MAKING OF A FILIPINO TRAITOR

By issuing reckless public statements, Rodrigo Duterte has cultivated a public image of an incontrovertible traitor, who would do everything to sell the Philippines to China. The madman has no qualms to curry attention from Xi Jin-ping, the autocrat from China. He has surrendered whatever self-respect is left for the Philippines as a country. By asking the Chinese maritime militia to stay in the West Philippine Sea, Duterte has virtually acknowledged the rejected Nine-Dash Line theory, the infamous theory that serves as the basis of China’s claim of ownership of the entire South China Sea.

The Permanent ArbitrationCommision of the United Nations Conference on the Law of the Sea (UNCLOS) has rejected in 2016 the theory, saying it is fiction, by all means. Duterte is perceived as a traitor to his own country. While he is harsh to his countrymen, especially and weak and powerless, Duterte is lovey-dovey with China. Duterte is widely perceived as a quisling in many countries and he is not seen to recover immediately as he could not stop this unsavory reputation.

***

QUOTE UNQUOTE: “Can we be very certain China has nothing to do with what is happening now in India and the Philippines, and what happened to the US in the recent past? Malicious thought, I may agree. But that country has been fooling and subjugating the world, with double talk, with the Wuhan virus, with its so-called Silk Road, with its technology theft, with its conquest of Africa and many nations through insidious loans. Look, the source of the virus itself seems Covid-free.” – Prof. Bayani Santos Jr., propesor at netizen

“Habang pinagpipilitan ng mga Hudas sa Malacañang na dapat magpasalamat tayo sa China sa tulong na di natin alam; mag-iinit ang ulo mo sa utang na di mo talaga maalala.” – Ding C. Velasco, netizen

“The world is ganging up on China in defense of PH. Pero bakit ang Pinas mismo ayaw tayo ipagtanggol? – Fernan Angeles, netizen

“The Western Powers have a single mindset on China. Hit while it is still weak. They won’t allow it to become strong to emerge a global threat… Babakbakan na iyan…” – PL, netizen

The post Masyadong nasaktan appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Masyadong nasaktan Masyadong nasaktan Reviewed by misfitgympal on Mayo 02, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.