PANININDIGAN at panawagan ito ng NAGKAISA Labor Coalition sa lahat ng mamamayang Filipino.
Ang mga mangingisdang tinutukoy ng NAGKAISA ay iyong naglalayag at nangingisda sa West Philippine Sea (WPS) na winawalanghiya sa kasalukuyan dahil sa agresibong pag-iikot at pagbabanatay ng China sa WPS.
Naniniwala ang China nap ag-aari nito ang WPS.
Dahil sa ginagawa ng China laban sa mga mahihirap na mamamayan, naobliga ang NAGKAISA na magsalita at manindigan laban sa China.
Ang NAGKAISA na pinamumunuan ni Atty. Jose Sonny Matula ay binubuo ng mahigit 40 unyon at pederasyon ng mga manggagawa sa maraming panig ng bansa.
Sa kasalukuyan, pinakamalawak ang NAGKAISA sa lahat ng alyansa ng mga unyon at pederasyon sa Pilipinas.
Maliban sa mga lider -manggagawa, nanindigan din si Senadora Mary Grace Poe para sa mga mangingisdang Fiipino.
“As we continue to raise our voices against the threats to our waters, our government must not renege on patrolling WPS to ensure that Filipino fishermen are secure as they venture into the common fishing grounds for livelihood. Our presence in the West Philippine Sea is an unyielding display that we are standing our ground on what is ours and securing our people’s productive access to our marine resources”, pahayag ni Poe.
Maging si Senador Ralph Recto ay kontra sa pag-angkin ng China sa WPS.
Sabi ni Recto: “It is China building military outposts in the WPS [that] destabilize[es] the region. [China is] expanding their presence using militia boats”.
Ayon naman kay Senadora Risa Hontiveros, patuloy na binabastos ng China ang Pilipinas dahil hindi umaalis ang mga barko nito sa WPS.
Binigwasan din ni Senador Franklin ang China sa ganitong pahayag: “total disregard of the arbitral award that invalidated China’s claims” ang pamamalagi ng mga barko ng China sa WPS.
Naniniwala akong kailangang magpatuloy ang NAGKAISA at mga senador ng paglaban sa China.
Sana kayo rin po mga kababayan ko.
The post Protektahan ang mga mangingisdang Filipio appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: