SA halip na umalwan naman ang panibagong yugto sa buhay ng mga nagsipagretiro sa pagiging mga empleyado ng SOCIAL SECURITY SYSTEM (SSS) ay namumulubi na ang mga ito at halos mapudpod na ang kanilang mga daliri sa kakapindot sa celfone at computer ay wala pa rin ang inaasahan nilang buwan-buwang pensiyon.
Ang ilan namang mga empleyadong nagsipagretiro bago nagkaroon ng COVID-19 PANDEMIC ay hinde pa rin natatamasa ng mga ito ang kanilang “RETIREMENT INCENTIVES”.., na nakabase ito sa kung ilang taon nakapagserbisyo ang empleyado tulad sa ilang nagretiro na mahigit 30 years nagtrabaho ay halos P200,000 lamang ang insentibo ay hinde pa makuha ng mga ito.
Isang pinoproblema ng mga nagsipagretiro ay dahil hanggang ngayon ay wala pa umano ang kanilang CLEARANCE mula sa OMBUDSMAN para makuha ng mga ito ang benepisyong dapat matamasa mula sa itinagal ng kanilang pagiging empleyado.
Para sa kaalaman ng ating mga ka-ARYA..,, ang mga nagsisipagtrabaho sa lahat ng GOVERNMENT AGENCIES, kapag nagsipagretiro sa pagtatrabaho ay kinakailangang makakuha ang mga ito ng OMBUDSMAN CERTIFICATION bilang patunay na walang kinakaharap na anumang kaso.., criminal o administrative case. Kase, kapag ang retirado ay may mga kinakaharap na kaso ay hinde ito makakakuha ng anumang benepisyo hanggat hinde nalilinis ang kaniyang mga kaso.
Kaya, ang mga dumanas o dadanas ng anumang pang-aabuso mula sa ating mga GOVERNMENT OFFICIAL at ENFORCERS tulad ng mga PULIS, MILITAR, TRAFFIC ENFORCERS, POLITICIANS.., para makaganti ang ordinaryong mamamayan ay sampahan niya ng kaso ang nang-abuso o nangikil sa kaniya dahil kapag hinde naisaayos ang kaso ay siguradong magpoproblema ang nakasuhan kapag nagretiro na sa pagtatrabaho.., ika nga, hinde ito makatatanggap ng anumang benepisyo para sa mga retirado.
Balik po tayo sa pinoproblema ng mga RETIRADO ng SSS mahigit kalahating taong retirado na ay wala pa rin ang kanilang mga benepisyo.., at marami sa mga ito ay may mga iniinom nang mga gamot bilang kanilang “maintenance”. Resulta, lalong naghihirap ang mga ito kase wala na silang monthly salary dahil retirado na sila e wala pa rin ang dapat nilang MONTHLY PENSION.
Nagfa-follow-up naman umano ang mga ito at halos mapudpod na ang kanilang mga daliri sa kakapindot sa kanilang celfone at keyboard ng kanilang computer para sa pag-iemail subalit wala man lang daw reply ang SSS- HUMAN RESOURCE OFFICE.
PAGING SSS VICE- PRESIDENT/HUMAN RESOURCE SERVICES DIVISION MA. NYMPHA RAGEL at DEPARTMENT MANAGER JOSE DELOS REYES.., hinde po ba dapat na agarang iproseso ang certifications ng mga nagsipagretiro at hinde tinetengga ang kanilang mga papeles bilang pagmamalasakit sa kapakanan ng mga nakasama po ninyong empleyado sa inyong ahensiya?
Hinde lang po PENSION BENEFITS ang pinoproblema ng mga nagsipagretiro sa inyong ahensiya.., kundi maging ang benepisyo nila sa PAG-IBIG FUNDS ay hinde rin nila makuha dahil hinde raw po ginagawa ng inyong departamento o ng inyong mga tauhan ang mga dokumentong dapat iproseso tulad ng CERTIFICATION OF EMPLOYMENT ng inyong mga nagsipagretiro.., na halos taon na ay hinde pa rin nagagawa ng inyong tanggapan?
Teka.., mukhang hinde yata alam ni SSS PRESIDENT/CHIEF EXECUTIVE OFFICER AURORA IGNACIO ang pagpoproblema ng mga nagsipagretiro sa kanilang ahensiya.., Ma’m IGNACIO, puwede po bang iseminar mo uli ang mga tauhan ninyo na incharge para sa pagpoproseso sa pangangailangan ng mga nagsipagretiro.., na kailangan ang mabilisang proseso at hinde dapat tinetengga ang pangangailangan ng mga nakatrabaho po ninyong nagsipagretiro.
Kung ganito ang sistema po sa mga nakatrabahong nagsipagretiro na sa inyong ahensiya ay posibleng maraming mga pangkaraniwang mamamayan ang dumadanas ng paghihirap sa kanilang mga benepisyo dahil nabibinbin sa kagagawan ng inyo pong mga pinangangasiwaang mga kawani. Ika nga, ang malasakit ay dapat nagsisimula sa mismong tahanan o sa inyong ahensiya mismo na agad ay naibibigay dapat ang pangangailangan ng inyong mga nakasamang mga kawani.
Oooppsss.., PANDEMIC ngayon at may nagtimbre rin sa ARYA na ang SSS employees daw po sagot nila ang bayad sa COVID VACCINES sa halagang P2,900 per-dose? Hinde po ba LIBRE lang po dapat.., kasi una, ang GOVERNMENT natin ay libreng bakuna ang ibinibigay sa mamamayan at ang SSS ay isang GOVERNMENT AGENCY.., kaya dapat walang bayad na sisingilin sa mga empleyado para sa pagpapabakuna.
Kawawa naman po ang mga RANK & FILE EMPLOYEES dahil minimal lang suweldo nila.., malaking kawalan po ang halaga ng VACCINE FEE kung pagbabayarin pa sila.., kumbaga, ang GOVERNMENT e libreng binabakunahan ang mamamayan pero ang kapamilya mismo o GOVERNMENT EMPLOYEES e pinagbabayad?
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.
The post Mga retirado ng SSS namumulubi? appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: