Facebook

Mga scalawag sa PNP at MMDA kakalusin!

BAHAGI sa inisyatibang malinis ang imahe ng mga enforcer ay nagbanta si PHILIPPINE NATIONAL POLICE (PNP) CHIEF GENERAL GUILLERMO ELEAZAR at maging si METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY (MMDA) CHAIRMAN BENHUR ABALOS na walang puwang sa kanilang mga ahensiya ang sinumang SCALAWAG o mga KOTONGERO.

Sa naging pagpapasimula ni GEN. ELEAZAR bilang bagong PNP CHIEF ay inihayag nito na wala umano siyang sisinuhin sa mga SCALAWAG at sa oras na mapatunayan base sa mga ebidensiya ay agad na tatanggalin sa serbisyo at ipaghaharap ng kasong kriminal.

Ang bantang ito ay napatunayan na ni GEN. ELEAZAR sa.mga nakalipas na taon dahil sa dami ng.mga POLICE SCALAWAG na kaniya nang kinasuhan at halos ay kulang na lamang na pagbubugbugin nito sa harap ng.MEDIA ang mga pasaway na mga enforcer.

Sa performance ni GEN. ELEAZAR ay SALUDO ANG ARYA at naniniwala akong magagawa niya kasama ng kaniyang mga opisyal para maalis sa kanilang hanay ang mga “ANAY” upang ang imahe ng PNP ay ganap na pagtiwalaan ng publiko.

Kamakailan naman ay 2 MMDA ENFORCER na nag-VIRAL sa SOCIAL MEDIA na nangingikil ang tuluyang sinibak na sa serbisyo ni MMDA CHAIRMAN ABALOS dahil sa matitibay na ebidensiya laban sa mga enforcer.

“Natapos na po ang imbestigasyon ng MMDA sa kaso ng dalawang enforcers na ito. Dahil sa bigat ng mga ebidensya laban sa kanila, sila po ay napatunayang guilty kaya’t tanggal na po sila sa kanilang tungkulin at hindi na maaaring makapag-serbisyo pang muli,” pahayag ni ABALOS opatungkol sa mga enforcer na sina TA1 EDMON E. BELLECA at TA1 R1 CHRISTIAN T. MALEMIT.

Bago pa ang dismissal, inilagay sa preventive suspension ang dalawa bilang bahagi ng administrative procedure. Disciplinary measure lamang ang nabanggit na preventive suspension habang dinidinig at iniimbestigahan ng Legal Department ng ahensya ang kanilang kaso. Sasampahan din ng kaukulang kasong kriminal ang dalawang traffic personnel.

“Seryoso kami sa aming kampanya na linisin ang aming hanay at alisin ang mga tiwaling personnel. Kinakailangan namin ang tulong ng publiko upang matukoy ang mga indibidwal na sangkot sa iligalidad. Sinisiguro po namin sa MMDA na agaran naming aaksyunan ang mga gawaing labag sa batas,” saad ni ABALOS.

***

164 AGRARYO NABIGYAN NG LUPAIN

Sa mahabang panahong paglilinang ng lupa para sa ikabubuhay ng mga pamilya at sa sinserong pag-asiste ng DEPARTMENT OF AGRARIAN REFORM (DAR) sa liderato ni SECRETARY BRO. JOHN CASTRICIONES ay 164 pamilyang agraryo ang nagawaran ng sarili nilang lupaing masasaka.

Ang sakahang pinaghati-hatian ng mga benepisaryong agraryo ay may kabuuang 136.9 ektaryang lupain sa BRGY. GUING NORTE, NAGUILLAN, LA UNION, na ipinunto ni DAR UNDERSECRETARY FOR SUPPORT SERVICES EMILY PADILLA ay hinde nagtatapos sa pamamahagi ng mga lupa lamang kanilang ahensiya.., kundi namamahagi rin ng mga suportang serbisyo upang mapamahalaang mahusay ng mga magsasaka ang kanilang mga lupain. Hinimok nito ang mga magsasaka na “sumali sa mga kooperatiba dahil dito idinadaan ang mga suporta at ayuda para sa mga magsasakang-benepisyaryo.”

Bukod dito, ang kalapit lalawigan ng LA UNION na PANGASINAN ay TULAY NG PANGULO PARA SA KAUNLARANG PANG-AGRARYO (TPKP) naman ang ipinatatayo ng DAR para sa kapakanan ng mga magsasaka ukol sa kanilang mga produkto.

Napag-alaman mula sa tanggapan ni SEC. BRO. CASTRICIONES na ang itatayong tulay sa BRGY. ORAAN EAST, MANAOAG, PANGASINAN ay gawa sa double-lane modular steel na may kabuuang haba na 28.80 linear meters. Ang tulay ay magsisilbi sa 26 na barangay, na karamihan ay pinaninirahan ng mga agrarian reform beneficiaries na nagtatanim ng palay. Ang tulay na pinondohan ng P13.3 milyon ay inaasahang.matatapos sa sunod na buwan (June) ngayong taon.

Naipunto ni CASTRICIONES na ang mga ARBs sa MANAOAG at ng iba pang magsasaka ng PANGASINAN, sa pamamagitan ng kanilang mga kooperatiba, ay patuloy na makapagdadala ng bigas, gulay, at iba pang ani upang matiyak ang seguridad sa pagkain.

“Kapag naitayo na ang tulay, may 8,186 na katao ang makikinabang dito, kung saan ang 490 rito ay mga ARBs. Sa pamamagitan ng tulay na ito, maihahatid ng mga magsasaka ang kanilang mga kalakal sa mga pamilihang bayan ng mas mabilis, pati na rin ang mahahalagang serbisyo ng gobyerno lalo na sa malalayong lugar. Hindi pa tayo sigurado kung kailan magtatapos ang pandemyang ito, ngunit ang mga kooperatiba ay magpapatuloy na tulungan ang pagsisikap ng mga lokal na pamahalaan at iba pang ahensya ng gobyerno upang maseguro ang mga pangangailangan sa pagkain ng mga tao. Ang tulay na ito ay makatutulong sa mga ARB sa bayang ito na maihatid nang epektibo ang kanilang mga produkto sa mga pamilihang bayan,” saad ni BRO. JOHN

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.

The post Mga scalawag sa PNP at MMDA kakalusin! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Mga scalawag sa PNP at MMDA kakalusin! Mga scalawag sa PNP at MMDA kakalusin! Reviewed by misfitgympal on Mayo 10, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.