Facebook

Nalusaw na koalisyon

HINDI kami nagugulat sa takbo ng mga pangyayari sa pulitika ng bansa. Lumpong pato si Rodrigo Duterte kaya pilit na ipinakikita ang kanyang lakas. Ipinakikita niya na dahil siya ang nasa poder, may kapangyarihan siya na kontrolin ang mga puwersang pulitikal na nasa naghaharing koalisyon. Sa ganang kanya, hindi siya pwedeng itulak kabigin.

Nalulusaw ang koalisyon na nagdala sa kanya sa tagumpay noong 2016. Dahil sa magkasalungat na ambisyon ng iba’t-ibang lider na kumakatawan sa iba’t- ibang lapian at grupong pulitikal sa koalisyon, nagkakanya-kanya na sila na lakad. Wala na silang pakialam kay Duterte. Panahon na upang siya ay itapon kaparis ng isang lata ng sardinas pagkatapos nabuksan at nakain ang laman.

Ito ang dahilan kung bakit pinigilan si Manny Pacquiao na maghari sa PDP-Laban, ang pinakamalaking lapian sa naghaharing koalisyon. May memo si Mane sa mga kasapi ng lapian na huwag dumalo sa ipinatawag na general assembly ni Alfonso Cusi. Ayon kay Cusi, nagbigay ng order si Duterte na huwag sundin ang memo ni Mane. Tuloy ang miting na ang agenda ay tuluyang sipain si Mane bilang pangulo ng naguguluhang lapian.

Mukhang kakalas na sa naghaharing koalisyon si Bongbong Marcos at ang paksyon ng Nacionalista Party na sumusuporta sa kanya.May katwiran na kumalas si BBM sa koalisyon ni Duterte. Walang silbi sa kanya ang koalisyon matapos ilaglag siya ni Duterte sa kanyang protesta laban kay Bise Presidente Leni Robredo sa Korte Suprema. Inilaglag rin siya ni Duterte sa impeachment complaint laban kay Mahistrado Marvic Leonen na nasa Kongreso.

May kasabihan ang mga Tagalog na kalawang ang sisira sa sariling bakal. Mukhang hindi ito naiintindihan ni Duterte. Hindi niya batid na nahaharap ang Grupong Davao sa matinding kapalaran kung isasabak ang sinuman kay Sara Duterte o Bong Go sa 2022. Mukhang pupulutin sa kangkungan ang sinuman sa kanila. Hindi si Duterte ang masusunod sa 2022. Lumpong pato siya at hindi niya kakayanin ang pukpukan.

***

NAUNANG kumawala sa naghaharing koalisyon ang puwersa ng Kaliwa. May katwiran sila na humiwalay dahil pinatay, inaresto, at ikinulong ng hindi nakikilalang mga tao ang kanilang mga lider. May balita na nakipag-alyansa na ang Kaliwa kay Isko Moreno, alkalde ng Maynila. Galing umano sa hanay ng maralitang taga-lungsod (urban poor) si Isko kaya komportable sila sa kanya.

Hindi natin alam ang tradisyonal na lapian o grupong pulitikal ang magdadala kay Isko sa 2022 bagaman tinatawanan si Isko sa kasalatan ng kaalaman sa mga usapin ng bansa. Nagkalat si Isko nang natanong ng mga mahahalagang isyu sa bansa dahil hindi niya alam ang sagot. Sunog na sunog si Isko lalo ng tanungin ang kanyang pagkakaintindi sa konsepto ng “healing presidency.”

Nakita ang kulay ng kanyang salawal – o mas tumindi at umigting ang paniniwala na kakampi siya ni Duterte at Grupong Davao – nang ipaliwanag ni Isko na naghihilom ang sugat na bansa kung hindi nasasakdal sa hukuman si Duterte at mga alipores niya sa panahon na wala na sila sa poder. Ganyan ba katanga si Isko? Ito ang tanong ng ilang nagmamasid tungkol sa kanya.

***

HINDI malaman ni Duterte at ng Grupong Davao kung ano ang gagawin upang makontrol ang takbo ng pulitika tungo sa 2022. May mga mungkahi na katawa-tawa. Nandiyan ang tambalang Duterte-Duterte o Go-Duterte. Isinusulong ni Sal Panelo at iba pang komedyante ang kombinasyon na Sara sa pangulo at Rodrigo sa bise presidente, o kaya Bong Go – Rodrigo Duterte. Hindi nakakakiliti ng imahinasyon, sa totoo lang. Para bang ganap na natuyuan ang utak ng anumang libog o kiliti.

Mas kilala si Sal Panelo bilang komedyante. Minsan nila ipinanukala ang pagdedeklara ng batas militar bilang sagot sa pandemya. Paglusob ng mapinsalang virus ang nangyayari sa atin na pandemya at upang mapigilan ang paglusob, kailangan ideklara ang batas militar, aniya. Pinagtawanan si Sal Panelo kahit ng kapwa niya manananggol sa larangan na batas. Hindi sineseryoso si Sal Panelo.

***

SAPAGKAT hindi siya nakakasiguro sa kapalaran ni Sara Duterte kung sumabak siya sa 2022, at mas walang pag-asa kung si Bong Go naman, iisa ang maaaring puntahan ni Rodrigo Duterte at Grupong Davao. Ito ang makipag-alyansa Kay Bongbong Marcos o kahit na si Mane Pacquiao. Ngunit hindi siya nakakasiguro ang mga ito. Tuso si BBM at hindi siya pagagamit kay Rodrigo na binalewala siya sa bandang huli. Tuso si Pacquiao na mukhang aalisin niya sa PDP-Laban.

Pinakamabigat na suliranin ni Duterte ngayon ang kawalan ng magagaling na tagapayo sa koalisyon. Wala siyang maaasahan sa hilera ng mga pipitsugin at patapon na nilikha tulad ni Sal Panelo, Herminio Roque, BongGo, at kung sino-sino pa. Nandiyan pa ang mga nakatagong puwersa na maglalabasan lamang kapag uminit na ang kampanya.

***

MAY isinulat kami na post sa social media tungkol sa mga naglipanang mga food provider na nag-aalok ng pagkain na dadalhin sa tahanan. Pakibasa.

DON’T TRUST THOSE FOOD PROVIDERS IN SOC-MED. Was trying to place an order to a food provider – Natural Ranch ek-ek.. Just a little over P600 worth of food for a Sunday lunch. Asked them to deliver before 11 am. But the guy manning its food counter sent me a pm they could only deliver by 1 pm. How could that be? We could have taken our lunch by that time. Food delivery after lunch? Kalokohan iyan. Apparently peeved by my remark, the idiot at the counter said hindi daw kalokohan…. Manggaling pa daw ng Bacoor ang pagkain nila. Hindi daw eroplano ang sasakyan kundi motor. I did not ask where the food would come. Ano ba pang pakialam ko? Neither did I ask if it would take an airplane to deliver it. Poor business model, I told myself. Hindi ito mag-klik kapag ganito ang attitude. Masungit at gago.

I’ve learned my lesson today. I should be more careful in choosing a food provider today. Don’t trust those dime-a-dozen guys in social media. Go for those guys with established reputation for prompt service. Pizza parlors, fast food joints, restaurants with solid reputation for prompt delivery Ask for details before placing orders. Also don’t go for guys who said we should not cancel our order. Tarantado magnegosyo iyon. By the way, I’ve blocked that food provider. Hindi na makakapasok sa timeline ko to badger me. Yes, I’ve learned my lesson.

***

MAY mga netizen ang nagtatanong sa amin kung ano ang nangyari kay Leni Robredo. Wala akong maisagot na matino dahil nasa panahon pa siya ng pag-iisip kung tatakbo o hindi sa pangulo sa 2022. Pinag-iisipan daw ng matindi iyan, aniya. Siyempre, wala kaming tutol sa sagot niya. Totoo naman kasi; dapat mag-isip.

Pabiro namin sinabi na ayaw maglilis ng palda ang ale. Ayaw ipakita ang tattoo sa hita. Hindi malaman kung OXO o Sigue-Sigue ang tattoo. Kung Sigue-Sigue, hindi malaman kung Sputnik o Commando. May pumasok na pilyong netizen at sinabi na “BNG “ang tattoo ng ale. “Bahala Na Girl.”

The post Nalusaw na koalisyon appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Nalusaw na koalisyon Nalusaw na koalisyon Reviewed by misfitgympal on Mayo 30, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.