IBINUNYAG ni Senador Franklin Drilon ang kaagad na paglabas ng P10.68 bilyon ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NFT-ELCAC) nitong buwan ng Abril 2021.
Ang minadaling paglabas ng napakalaking halagang ito mula sa P19 bilyong budget ng NTF-ELCAC ay kasunod ng banta ng mga senador na i-relocate nalang sa ayuda ang pondo kesa malustay lang ito sa “kalokohan” ng task force na kung sinu-sino nalang ang nire-redtag.
Ang banta ng mga senador na kinabibilangan nina Joel Villaneva, Sherwin Gatchalian, Drilon, Risa Hontiveros, Liela de Lima, Nancy Binay at Kiko Pangilinan ay kasunod naman ng pag-red tag ng mga opisyal ng NTF-ELCAC na sina Southern Luzon commander Lt. General Antonio Parlade at PCOO Usec. Lorraine Baduy sa ilang community pantries partikular sa organizer ng pinipilahang Maginhawa Community Pantry sa Quezon City na si Patricia Non.
Nitong Lunes, ibinunyag ni Drilon ang minadali aniyang pagwidro ng NTF-ELCAC sa napakalaking halaga ng walang detalye kung saan gagastusin.
“Bakit po parang nagmadaling ilabas ang budget? Bakit ‘yung pondo sa Marawi rehabilitation mabagal ang paglabas ng pondo? Saan po gagamitin itong P10.68 bil-yon? Saan po ba napunta ang P10.68B? Anong barangay? Anong syudad o bayan ang nakinabang dito? In the spirit of transparency, let us publish the data and inform the public,” tanong ng batikang Sen. Drilon
Ang napakalaking pondo ng NTF-ELCAC ay para wakasan ang 50-taon nang panggugulo ng Communist Party of the Philippines/New People’s Army/National Democraric Front (CPP/NPA/NDF) at development ng mahihirap na lalawigan, bayan, barangay kungsaan namumugad ang mga rebelde.
Ang ikinagulat lang ni Sen. Drilon ay kung bakit bigla at napakalaki ng pondong inilabas ng task force gayung mayroon pang pandemya.
Hinihingi ngayon ng senador ang listahan ng NTF-ELCAC para malaman kung saan-saang lalawigan, bayan at barangay ibi-nuhos ang napakalaking pondong inilabas.
Kamakailan, sa gitna ng mainit na bangayan nina Usec Baduy at Non kungsaan hinamon ng opisyal ang Maginhawa community pantry organizer na i-audit ang mga donasyon at mga nag-donate sa pantry ay sumagot ang opisyal ng state auditor na si Hiede Mendoza na ang dapat maghanda sa auditing ay si Usec Baduy dahil taxpayers money ang ginagastos ng NTF-ELCAC unlike sa community pantry na ambag-ambagan ng mamamayan at walang dapat i-audit.
Kinuwestyon din ni Senador Ping Lacson ang pagiging spokesman ng NTF-ELCAC ni Gen. Parlade na kasalukuyang commander ng Southern Luzon Command.
Giit ni Lacson, ipinagbabawal sa Saligang Batas ang isang active military na humawak ng posisyon sa civilian organization tulad ng NTF-ELCAC. Tumahimik sa Parlade.
Balik tayo sa P10.68 bilyong inilabas ng NTF-ELCAC nitong Abril. Sana nga’y mapunta ito sa development ng mahihirap na lalawigan tulad ng pagkakaroon ng mga programang pangkabuhayan, maayos na kalsada, kuryente at paaralan.
Nang maging guest namin sa weekly NPC forum si Parlade noong Marso, sinabi niyang P20 milyon ang pondo ng bawat mahihirap na barangay. Ang mga sundalo, aniya, ang magtatrabaho sa development. Sana nga’y makita natin ito bago matapos ang termino ni Duterte sa Hunyo 2022. Kasi baka sa bulsa lang nila pumasok ang P19-B pondo ng NTF-ELCAC. Bantayan!
The post NTF-ELCAC buking naglabas ng P10.68-B nitong Abril appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: