Facebook

PAGCOR: 2 Kumpanya pa lang ang pinapayagang mag-operate ng sabong online

NILINAW ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na dalawang kumpanya pa lang ang pinapayagan nila na magpalabas ng sabong online sa kabila ng paglipana ng mga iligal na e-sabong ngayon sa internet.

Sa isang radio interview, sinabi ni PAGCOR chairman Andrea Domingo, na tanging ang Lucky 8 Starquest ni Atong Ang at Belvedere Corp. naman ni Bong Pineda pa lang ang may lisensya para magpalabas ng sabong online.

Ayon kay Chairman Domingo, “limang kumpanya ang nag-apply ng license pero yung Lucky 8 at Belvedere pa lang ang nagbayad ng performance bond na 75 million pesos each”.

Napag-alaman na ang mga kumpanyang, “Encuentro”, “Magnus”, at “Oriental Capital Venture” ay hindi pa nagbabayad ng mga kaululang fees at taxes kaya hindi pa pinapayagang magpalabas ng sabong sa kanilang website, ayon kay Domingo.

“Nakikipag-ugnayan na kami sa PNP na hulihin ang mga online sabong sites na wala pang mga lisensya”, ani Domingo.

Ilan sa mga illegal online sabong websites umano ay ang kingsportslive.com at ang sabonginternational.com.

Kapwa ang dalawang websites ay pag-aari umano ng mga mambabatas sa mababang kapulungan.

“Ang e-sabong ang major source ng funds namin sa ngayon dahil nagsara nga ang mga casinos due to covid,” paliwanag ng PAGCOR chairman.

Napupunta sa social funds ng pangulo na ibinibigay naman aniya ni Pangulong Duterte sa mga ospital at ayuda ngayong pandemya.

Samantala, binabawi na ng Lucky 8 Starquest ng Pitmaster live ang authorization para sa kumpanyang Diversified Financial Network Inc. (DFNN), na pag-aari ni Raymond Garcia, na kumuha o tumanggap ng mga taya mula sa sabong online.

“Lucky 8 Starquest Inc. decided not to pursue the said venture anymore in order to honor its undertakings with the local government units,” ayon sa official statement ng nasabing kumpanya.

“And in order to avoid possible conflict of interest, Lucky 8 Starquest inc., shall continue to fully operate on its own e-sabong online platform pursuant to its license with PAGCOR”, pahabol na pahayag ng Lucky 8. (Mylene Alfonso)

The post PAGCOR: 2 Kumpanya pa lang ang pinapayagang mag-operate ng sabong online appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
PAGCOR: 2 Kumpanya pa lang ang pinapayagang mag-operate ng sabong online PAGCOR: 2 Kumpanya pa lang ang pinapayagang mag-operate ng sabong online Reviewed by misfitgympal on Mayo 08, 2021 Rating: 5

1 komento:

  1. Siguro dapat ma legalized or mabigyan ng prankisa? Parang sa mga online casino na sanction ng PAGCOR

    TumugonBurahin

Pinapagana ng Blogger.