Facebook

Pakitang tao

PINUPULONG ni Rodrigo Duterte ang ilang piling tauhan sa Malacanang tuwing Lunes. Pinag-uulat at kahit na palpak, pinupuri ng walang sapat na dahilan. Wala silang totoong ginagawa upang maibsan ang pandemya. Pakitang tao upang magmukhang kaibig-ibig sa mga mamamayan na sumusubaybay sa kanila. Puro pakulo at pautot lahat.

Ganito ang nangyari kay Francisco Duque III, ang isinukang kalihim sa kalusugan kahit ng mga sariling tauhan sa DoH. Pinuri ni Duterte na “tama ang ginagawa” sa harap ng TV kahit na pangalawa sa Asya ang Filipinas sa pinakamataas na bilang ng nagkakasakit ng mapinsalang virus ng Covid-19 at pangalawa sa bilang ng mga namamatay. Kahit na naglalaro sa 9,000 ang nagkakasakit ng Covid-19 bawat araw.

Nakakapagtaka na positibo ang ipinaririnig ng kanyang mga tauhan sa tila nag-uulyanin na si Duterte. Hindi namin alam kung ano ang sasabihin, ngunit sana alam ni Duterte na pinaiikutan siya ng kanyang mga tauhan. Binibilog ang ulo upang mapaniwala na may ginagawa sila upang mapalabas na abala sila sa pagsugpo ng pandemya.

Minsan narinig ni Carlito Galvez Jr., ang vaccine czar, na tila Tarzan na hinahampas ang dibdib at sinabi na magkakaroon ng “herd immunity” ang Filipinas ngayong taon. Pinagtawanan si Galvez dahil walang nakikita na bakuna sa bansa. Mukhang nananaginip si Galvez.

Mapangahas na sinabi ni Galvez na darating ngayong taon ang mahigit 140 milyon doses ng bakuna na halo-halong brand. Sa maikli, mababakunahan ang 70 milyon na Filipino na magbibigay ng “herd immunity,” ang kataga ng pangangalaga kontra Covid-19 sa bansa. Ganyan kasimple: Sapagkat darating ang 140 milyon doses ng bakuna, susunod ang herd immunity.

Hindi alam ni Galvez ang mga nakaraang survey kung saan anim sa bawat sampung Filipino ang nagsasabing hindi sila basta magpapabakuna dahil walang tiwala sa bakuna ng gobyerno. Hindi sinabi kung anong brand, ngunit mahihinuha na Sinovac ang brand sapagkat naiulat na mahinang klase ang bakuna ng Intsik. Bukod diyan, may namatay dahil sa bakuna ng Intsik.

Hindi ipinaliwanag ni Galvez kung paano dadalhin ang mga sinasabi niyang bakuna sa iba’t ibang panig ng bansa. Wala siyang paliwanag kung may mga pagsasanay sa mga taong magtuturok ng bakuna sa mga Filipino. Mas lalong walang alam si Galvez kung paano dadalhin sa Filipinas ang mga bakuna mula sa mga bansang pinanggalingan.

Mistulang binilang ni Galvez ang mga sisiw bago napisa ang mga itlog. Hindi lang nagbilang ng sisiw, kundi binilang ang mga itlog kahit hindi pa inilabas ng inahing manok. Alagad ng kawalan ng siphayo si Galvez. Pawang pag-asa ang alam niya kahit may malaking pagdududa kung kaya niya ang gawain na iniatang ni Duterte sa kanyang balikat.

***

PINAG-IINGAT ang publiko kay Harry Roque. Walang alam si Harry kundi magsinungaling. Pawang kasinungalingan ang kanyang ipinahahayag sa publiko. Walang pangingimi. Kaya hindi siya dapat paniwalaan kahit katiting. Walang siyang kredibilidad. Ang pagsisinungaling lang ang kanyang alam.

Noong Lunez, tinawag niyang “ilegal” ang mga pahayag ni Antonio Carpio at Albert del Rosario tungkol sa isyu ng pagpasok ng China sa ating teritoryo sa West Philippine Sea. Paano magiging ilegal kung nakabase sa batas ang kanilang pahayag. Ang ilegal ay ang sinabi ng kanyang amo. Tayo ang nanalo sa sakdal sa Permanent Arbitral Court ng UNCLOS ngunit ang Filipinas pa ang natalo batay sa salita ni Duterte.

Sunod-sunuran si Harry kay Duterte. Kahit magmukha siyang payaso at aso. Tandaan: Huwag maniniwala kay Harry Roque.

***

MGA PILING SALITA: “Harry ‘The Queef’ Roque wants Carpio & del Rosario to follow the madman’s foreign policy? What foreign policy? Inutil nga siya…” – PL,netizen

“Mr. Duterte is injected with Sinopharm vaccine which is not yet approved by the FDA…” – Mackoy Villaroman, netizen

“RODRIGO Duterte knows he’s perceived by the international community as a traitor in his own country. But he couldn’t do anything.” – PL, netizen

***

MAY isinulat na maikling sanaysay ang aming kaibigan na Roly Eclevia. Basahin ng mabuti:

Hasn’t he committed murder and theft, and yet he remains prosperous?

As far as President Rodrigo Duterte is concerned, crimes that go unpunished are an indication that God does not exist.

It is amazing the way he reduces into simplistic terms the existential question that has occupied philosophers and theologians throughout history.

But that’s how a seven-year-old views the world. It is unfortunate that Mr. Duterte’s mental faculties haven’t grown beyond that age.

He can dismiss the idea of divine justice as ridiculous myth, but even atheists must answer for their crimes and face punishment in this world.

***

WALA na dahilan si Rodrigo Duterte na hindi italaga si PNP Deputy Chief for Administration P/Lt. Gen. Guillermo Eleazar bilang kapalit ni Debold Sinas na magreretiro sa Mayo 8, 2021. Iyan ay kung nais ni Duterte na maisalba ang masamang imahen ng kapulisan.

Magmula nang maupo si Duterte, katakot takot na kontrobersiya ang kinasangkutan ng mga tiwaling alagad ng batas magmula sa liderato ni General Bato dela Rosa hanggang kay Gen. Debold Sinas.

Isa sa katangian ni Eleazar ang pagiging bukas sa mga mamamahayag upang magbigay ng regular na update sa usaping kapulisan. Hanga rin kami sa kanyang istilo ng pagdisiplina sa mga tuwali sa hanay ng orginisasyon. Naniniwala kami na malaki ang reporma na magagawa ni Eleazar sa maikling panahon na pamunuan ang organisasyon.

***

Email:bootsfra@yahoo.com

The post Pakitang tao appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Pakitang tao Pakitang tao Reviewed by misfitgympal on Mayo 04, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.