
KALABOSO ang sinapit ng isang pulis-QCPD makaraang mahuli ito ng kanyang mga kabaro sa Bulacan matapos mangholdap ng isang money remittance center sa San Miguel,Bulacan Martes ng hapon.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Police Corporal Moises Yanggo.Napag-alaman na hinoldap ni Yanggo ang isang remittance center sa bayan ng San Miguel ganap na ika 1:30 ng hapon.
Makaraang makita sa cctv ang itsura at mukha ng suspek,naglabas ng flash alarm ang Bulacan PNP sa mga karatig bayan ng Bulacan para mahuli ang suspek na tumakas sakay ng isang kulay itim na motorsiklo.
Ganap na ika-3:30 ng hapon,naispatan ang holdaper na pulis sa bayan ng San Ildefonso habang tinutugaygayan ang isa pang money remittance center para holdapin din.
Aminado ang suspek na si Corporal Yanggo na lulong ito sa online sabong kung kaya’t nagawa nito ang krimen.
Napag-alaman pa rin na suspek din ang pulis sa iba pang holdapan sa lalawigan ng Nueva Ecija.
Malinaw na isa ito sa klarong halimbawa sa masamang epekto ng sugal na online sabong na kinahuhumalingan ng marami sa ating mga opisyal at tauhan ng pamahalaan.
Marami tayong alam na mga opisyal at empleyado ng mga government agencies na lulong sa online sabong at nagagawang nagsugal kahit pa nga on duties.
Isang hepe pa nga ng isang presinto ng pulisya ang personal natin naaktuhan habang tumataya sa online sabong habang naka-duty at nasa loob ng pinamumunuan nitong police precint.
May ilan din tayong kilalang matataas na opisyal ng DPWH,LTO at LGUs na abalang tumataya sa online sabong kahit pa nga office hours at nasa loob ng kanilang mga opisina.
Dapat lamang marahil masilip ito ng ating mga awtoridad at tuluyan nang ipagbawal sa mga mga government officials at rank & file employees ang pagtaya sa online sabong habang naka-duty.
Going back sa pulis na si Yanggo,hindi lamang pagkasibak sa tungkulin ang kinakaharap nito kundi mga kasong roberry at violation ng Repuclic Act 9516 o illegal possesion of explosive.
At minsan pa napatunayang na marami pa rin sa miyembro ng kapulisan ang patuloy sa paggawa ng masama at umaaktong mga ligal na kriminal na rin.
Sinigurado naman ni PNP chief,Gen.Guillermo Eleazar na masisibak ang suspek si Yanggo sa pagiging pulis nito at magdudusa sa bilangguan.
Natutuwa din tayo at humahanga sa mabilis na aksyon ng PNP Bulacan sa pagkakadakip sa suspek na pulis makaraan gawin nito ang nasabing panghoholdap.
***
PARA SA INYONG KOMENTO,REAKSYON AT SUHESTIYON,MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com
The post Pulis na, holdaper pa! appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: