Facebook

Pulis-QC at PDEA agents, muntik magkasagupa sa anti-drug ops sa Fairview

Muntikan na namang mauwi umano sa misencounter ang anti-drug operation ng mga pulis ng Quezon City Police District Station 4 at operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa parking lot ng isang mall sa Fairview, Quezon City nitong Biyernes.
Ayon sa ulat, nangyari ang insidente sa anti-illegal drugs operation ng magkabilang panig 3:00 ng hapon.
Sa report, nagpakilala umano ang mga pulis sa mga operatiba ng PDEA kaya naiwasan ang putukan.
Kinumpirmana ni QCPD chief Police Brigadier General Antonio Yarra, na mayroong drug operation sa lugar pero hindi natuloy.
Wala pang iba impormasyon na ibinibigay ang magkabilang panig.
Pero pareho umanong lehitimo ang operasyon.
Matatandaan, na nitong nakaraang Pebrero, naging madugo ang anti-drug operation ng QCPD at PDEA nang magkasagupa ang dalawang grupo sa Commonwealth, Quezon City.
Ayon sa National Bureau of Investigation na inatasang magsiyasat sa insidente, dalawang PDEA agents at informant, at dalawang pulis ang nasawi sa insidente.
Parehong iginiit ng QCPD at PDEA na lehitimo ang kanilang operasyon.(Boy Celario)

The post Pulis-QC at PDEA agents, muntik magkasagupa sa anti-drug ops sa Fairview appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Pulis-QC at PDEA agents, muntik magkasagupa sa anti-drug ops sa Fairview Pulis-QC at PDEA agents, muntik magkasagupa sa anti-drug ops sa Fairview Reviewed by misfitgympal on Mayo 14, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.