Facebook

QCPD VS. PDEA II

HINDI na bago sa ating pandinig ang misencounter ng mga awtoridad.

Kapag may nangyaring ganyan, madalas ay pulis o sundalo ang sangkot.

Kamakailan, nagkaroon ng sagupaan ang mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at mga operatiba ng Quezon City Police District (QPCD).

Mula noon ay naging maingat na raw sila.

Nitong Biyernes ng hapon, Mayo 14, muling nagkasabay sa isang operasyon kontra droga ang mga ito sa isang mall sa Fairview, sa Quezon City pa rin.

Nabatid na magkakasa sana ng drug buy-bust operation ang mga tauhan ng QCPD Station 4 Drug Enforcement Unit sa parking lot ng isang mall.

Aba’y naroon din pala ang mga operatiba ng PDEA Region 4A.

Sabi nga ni QCPD Director BGen. Antonio Yarra, habang naghihintay ang mga pulis sa kanilang target, napagdudahan ng PDEA agents ang kanilang kilos kaya sila ay sinita.

Agad na nagpakilalang taga-PDEA ang mga ahente at dinisarmahan ang mga pulis na nagpakilala ring mga taga-QCPD Station 4.

Hindi nagtagal, dumating naman sa lugar ang hepe ng Station 4 na si Police Lt.Col. Richard Ang.

Si Yarra ang namagitan at kinausap niya ang regional director ng PDEA Region 4A.

Makaraang maberipika, nag-usap ang dalawang grupo at naghiwalay nang payapa.

Mabuti’t wala ngang nangyaring bakbakan.

Malamang natuto na rin sila sa mga nakaraang misencounter.

Naging maingat ang mga operatiba dahil sa leksyon ng Commonwealth shootout.

May pre-operations coordination naman daw ang dalawang grupo.

Hindi nga lang daw talaga naka-specify ang eksaktong lugar para hindi masunog ang operasyon.

Bunsod nito, hindi na natuloy o na-abort ang nasabing operasyon.

Nawa’y maglabas ng opisyal na pahayag ang magkabilang panig ukol sa nangyari.

Kung maaalala, nagka-engkwentro rin ang mga pulis at PDEA sa isang operasyon sa QC noong Pebrero ngayong taon na ikinasawi ng dalawang alagad ng batas.

Hanggang ngayon, marami ang na-trauma at kinakabahan pa rin sa nangyaring barilan sa pagitan ng PDEA agents at mga pulis sa Commonwealth Avenue.

Umabot pa nga sa puntong maging ang National Bureau of Investigation (NBI) at mga senador ay nanghimasok sa nangyaring barilan.

Tandaan na sa mga ganitong pangyayari, ang mga sindikato ang nakikinabang.

Totoong sila ang humahalakhak habang mamamayan ang nahihintakutan.

©?©?©?

PARA naman sa inyong mga reaksyon, suhestiyon, reklamo, atbp., maaari n’yo po akong i-email sa gil.playwright@gmail.com o kaya’y i-private message sa aking Facebook, Twitter, Instagram, at FB accounts. Paki-subscribe na rin po ang aking Youtube channel at Tiktok page na ‘Gilbert Perdez’. Maraming salamat at stay safe!

-30-

The post QCPD VS. PDEA II appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
QCPD VS. PDEA II QCPD VS. PDEA II Reviewed by misfitgympal on Mayo 14, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.