Facebook

Nabakunahan ng 1st dose na home-service, tiyak na mabibigyan ng 2nd dose — Isko

TINIYAK ni Manila Mayor Isko Moreno na ang lahat ng mga nabigyan ng first dose ng bakuna sa pamamagitan ng home-service ay makakatanggap ng kanilang 2nd dose ng bakuna nang naaayon sa schedule.

Sinabi ni Moreno na laging tsini-check ng Manila Health Department (MHD) sa pamumuno ni Dr. Poks Pangan ang vaccination schedules at dahil dito ay makatitiyak na walang sinumang malalagpasan.

Ayon pa sa alkalde si Vice Mayor Honey Lacuna na siyang pinakapinuno ng inoculation program ng pamahalaang lungsod ay nagtuturok din ng bakuna at siya mismo ang nagho-home-service sa mga bedridden at physically-challenged na mga residente.

Hindi na rin aniya kailangan pa ng mga residente na mag-request sa kanilang barangay para sa kanilang second dose tulad ng kanilang ginawa noong first dose, ayon kay Moreno, dahil napag-usapan na nila Lacuna, Pangan at Manila Emergency Operation Center (MEOC) chief Dr. Edgar Santos ang bagay na ito.

“‘Yung mga na-home service, pupunta muli ang doktor sa inyong bahay sapagkat meron silang datos. Alam ng MHD kelan kayo due so ‘wag kayo mag-alala,” pagtitiyak ng alkalde.

Samanta ay inanunsyo ni Moreno na muling binura ng vaccinating teams ng lungsod ang dati nitong record sa pinakamaraming nabakunahan sa loob ng isang araw.

May kabuuang 15,133 vaccines ang naiturok hanggang alas- 6:30 ng gabi nang May 14 sa mga medical frontliners, senior citizens at persons with comorbidities. Ang mga brand ng bakuna na naipamahagi ay Astra Zeneca, Pfizer at Sinovac.

Noong May 13, naitala ang kabuuang bilang na 14,477 na mga bakunang naipamahagi sa mass inoculation at nalagpasan nito ang dating record na 13, 205 na naitala noong May 1.

Ang 18 designated vaccination sites ay nag-operate sa loob ng 14 na oras mula 6 a.m. hanggang 8 p.m. noong May 13 at May 14, upang makapagbakuna ng mas maraming indibidwal. (ANDI GARCIA)

The post Nabakunahan ng 1st dose na home-service, tiyak na mabibigyan ng 2nd dose — Isko appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Nabakunahan ng 1st dose na home-service, tiyak na mabibigyan ng 2nd dose — Isko Nabakunahan ng 1st dose na home-service, tiyak na mabibigyan ng 2nd dose — Isko Reviewed by misfitgympal on Mayo 14, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.