Facebook

Ramadan isinelebra ni Bong Go sa pamamahagi ng ayuda sa Maguindanao

IPINAGDIWANG ni Senator Christopher “Bong” Go ang Ramadan sa pamamagitan ng pagbisita sa Sultan Kudarat, Maguindanao at pamamahagi ng iba’t ibang ayuda sa mga residenteng hirap pa rin makabangon sa masamang epekto ng COVID-19 pandemic.

Namahagi ang grupo ni Go ng mga makakain at food packs sa tinatayang 150 beneficiaries na binubuo ng mga batang ullila at market vendors sa Sultan Kudarat municipal gym.

Binigyan din sila ng vitamins, masks at face shields para makaiwas sa pagkahawa ng COVID-19 sa komunidad.

May mga pinagkalooban ng mga bagong sapatos, bisikleta at computer tablets para sa mga mag-aaral.

“Ngayong Eid’l Fitr, nawa’y mamayani ang bayanihan at malasakit sa bawat isa. Magtulungan at magkaisa po tayo upang sabay-sabay nating malagpasan ang pandemyang ito at makamit natin ang isang malusog at masaganang kinabukasan para sa bawat Pilipino,” ani Go.

Bilang bahagi ng intervention measures ng pamahalaan sa mga patuloy na naghihirap sa nasabing bayan, namahagi rin ang Department of Social Welfare and Development ng financial assistance at food packs.

Naghatid naman ang Department of Agriculture ng vegetable supplies habang ang Department of Health ay namigay ng medicine packs at vitamins.

Nag-alok din ang Technical Education and Skills Development Authority scholarship grants sa mga kuwalipikadong beneficiaries.

“Alam niyo, mahal na mahal namin kayo ni Presidente. Sa Davao, tinatrato talaga namin ang mga kapatid naming Muslim na pantay-pantay… dahil hindi kami papayag na kayo ay maging biktima ng diskriminasyon,” ayon sa senador.

“Gusto namin ni Pangulong Duterte magkaroon ng long-lasting peace dito sa buong Mindanao… Talagang ayaw niya na may mga namamatay na sundalo o kahit rebelde. Sino ba ang gusto nagpapatayan ang kanyang kapwa Pilipino?” idinagdag niya. (PFT Team)

The post Ramadan isinelebra ni Bong Go sa pamamahagi ng ayuda sa Maguindanao appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Ramadan isinelebra ni Bong Go sa pamamahagi ng ayuda sa Maguindanao Ramadan isinelebra ni Bong Go sa pamamahagi ng ayuda sa Maguindanao Reviewed by misfitgympal on Mayo 13, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.