NAGING sulinranin din pala ang masasabi sigurong “petty crime” sa labas ng pantalan sa Batangas. Karamihan sa biktima ay mga biyahero o pasaherong papasok sa pantalan papunta sa iba’t ibang lugar, maaaring sa kabisayaan o kamindanawan.
Sinasabing mga kumikilos na nambibiktima/nanghoholdap ng mga pasahero ay ang grupong “Layang-Layang”. Ang kanilang estilo ay tutok-kalawit, pangdurukot, snatching at iba pa.
Petty crime nga bang maituturing ang mga ito? Petty crime o hindi, krimen parin ang lahat. Saan ba nag-uumpisa ang malakihang krimen o holdapan, e ‘di sa sinasabing petty crime. Kaya bago pa lumaki ang krimen durugin na agad! Ora mismo!
Linawin natin: Ang krimen ay madalas na nangyayari sa labas ng Batangas Port. Bago makapasok ang mga pasahero ay nabiktima na sila partikular na doon sa sinasabing Yellow Pedestrian Gate. Bago makapasok sa gate ang mga pasahero, hayun nadale na sila ng mga hunghang na grupong “Layang-Layang”.
Minsan nga raw, nakapapasok sa port ang tropa ng Layang-Layang at nakabibiktima pa. Matindi!
Ang problema ay winakasan na. Nasolusyonan na ito ni Transportation Secretary Arthur Tugade.
Katunayan, isa sa naging biktima narin dito ang sasakyan ng isang retiradong hepe ng PNP nang basagin ang bintana ng kanyang sasakyan at pagnakawan habang nakaparada sa nasabing lugar.
Kaya, simula nang kumilos si Tugade, halos wala nang nangyayaring krimen… at kung nakalulusot man ang Layang-Layang ay malayo-layo na sa port area sila nakabibiktima.
Yes, sumaklolo agad ang ang kalihim at inutusan nito si Philippine Ports Authority (PPA) General Manager Jay Daniel San-tiago na ikandado na ang naturang daan o lagusan upang tuluyan nang wakasan ang krimen sa lugar. Kung baga, ipinasara ni Tugade ang lagusan sa sinasabing yellow pedestrian gate. Solved!
Kasama ang pribadong operator ng PPA sa Batangas Port na Asian Terminal Incorporated (ATI) ay inilipat sa Main Gate ang daanan ng mga pasahero upang ligtas na ang mga ito laban sa mga mandurukot, magnanakaw at tutok kalawit.
“Talamak sa lugar na iyon ang pipilitin kang bumili ng panutsa na sobrang taas ang presyo na kahit ayaw mo ay mapipilitan kang bilihin dahil nakatutok ang kutsilyo sa tagiliran ko”, paha-yag ng isang pasahero na nabiktima ng sindikato na ayaw nang magpabanggit ng pangalan.
Hayon! nang ipasara ni Tugade ang lagusan sa yellow pedestrian gate at inilipat na sa main gate, matiwasay nang nakabibiyahe ang mga pasahero. Nakapag-uuwi sila ng kompletong pasalubong – pera at iba pang kagamitan. Ayos!
Kaya nararapat lang na saluduhan din si Tugade sa kanyang solusyon sampu ng kanyang mga opisyal at tauhan sa pagkakaisang mabigyang ng matiwasay na pagbibiyahe ang mga pasahe-rong pauwi ng Visayas at Mindanao area. Mabuhay!!!
***
ROQUE VS ROQUE. Trending ngayon sa social media ang magkasalungat na pahayag ni Presidential Spokesman Harry Roque tungkol sa isyu sa West Philippine Sea. Kinontra nya ang kanyang unang sinabi, parang si Pangulong Duterte lang. Hehehe…
Unang ipinahayag ni Roque: All we’re saying is we were never in possession of that area and we’re making a big thing out of the fact that the area naman in the first place was never under our possession. Ni hindi po iyan kabahagi ng ating EEZ iyong Julian Felipe. Labas po iyan, ganiyan po kalayo iyan.”
Nang batikusin siya ng mga eksperto sa mapa ng Pilipinas at pakitaan pa kung gaano kalapit ang Julian Felipe Reef sa Bataraza, Palawan, biglang bawi si Roque: “I have never claimed that Felipe Reef is not ours. We reiterate that the Philippines has claim – and has never abandoned our claim – over Julian Felipe Reef by virtue of a Presidential Decree issued by former President Ferdinand Marcos saying it is part of the Kalayaan Group of Islands.”
Ang gulo ni Roque noh? Parang bakla! Hehehe…
The post Krimen sa Batangas Port nilutas ni Tugade appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: