Facebook

Dalagita nilasing, ginahasa; rapist huli

ARESTADO ang isang lalaki sa panggagahasa nito sa isang menor de edad sa Iriga City.
Kinilala ang dinakip sa pangalang Jun, 24 anyos, residente ng Barangay San Miguel sa nasabing lungsod.
Ayon kay Police Lt. Bella Vergara Cereno, tagapagsalita ng Iriga City Police Station, nagkakilanlan at naging magkaibigan ang biktima at ang suspek sa social media.
Inimbitahan pa aniya ng suspek ang biktima na makipagkita sa kanya sa nasabing lugar.
Tinuruan din umano ng suspek na magsinungaling ang biktima sa kanyang mga magulang, kungsaan ang paalam nito ay magsi-swimming lamang kasama ang mga kaibigan.
Ngunit sa araw ding iyon, nag-inuman ang dalawa sa isang tindahan malapit sa residensiya ng suspek.
Nang malasing na ang biktima, dito na umano ginahasa ng suspek ang dalagita.
Agad nag-report ang biktima sa Iriga City Police Station, at agad nadakip ang suspek.

The post Dalagita nilasing, ginahasa; rapist huli appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Dalagita nilasing, ginahasa; rapist huli Dalagita nilasing, ginahasa; rapist huli Reviewed by misfitgympal on Mayo 13, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.