Facebook

Kumuha ng ayuda niratrat ng armalite

PATAY ang isang magsasaka nang ratratin ng armalite matapos kunin ang ayuda sa Datu Saidi Ampatuan, Maguindanao.
Kinilala ang biktima na si Paha Unutan, 42 anyos, may asawa at residente ng Barangay Dapiawan, Datu Saudi Ampatuan.
Ayon kay Datu Saudi Ampatuan Chief of Police, Lieutenant Melvin Laguting, may tumawag sa biktima sa kanyang cellphone para lumabas ng bahay para makuha ang kanyang ayudang bigas.
Nang makakuha na si Unutan ng ayuda sa Barangay Madia, Datu Saudi Ampatuan at papaalis na ito nang ratratin ng M16 Armalite rifle ng mga ‘di nakilalang salarin.
Mabilis na tumakas ang mga salarin lulan ng motorsiklo.
Patay kaagad ang biktima na nagtamo ng limang tama ng bala sa kanyang likod.

The post Kumuha ng ayuda niratrat ng armalite appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Kumuha ng ayuda niratrat ng armalite Kumuha ng ayuda niratrat ng armalite Reviewed by misfitgympal on Mayo 13, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.